"Hey are you feelin' better?"
It was Nathan asking. Her eyes were full of worries.
Yakap ko ngayon ang kanyang polo habang nanginginig na nakaupo sa backseat ng kanyang kotse. Nasa tabi ko lang siya ngunit halos hindi kami magkasya dahil sa lapad ng aking katawan.
"Th-Thank you," ani ko na hindi halos maigalaw ang bibig.
"I'm really sorry, I came too late," malungkot niyang sabi.
"Don't say sorry Nathan. It was my fault. Kung hindi sana ako nagmatigas, hindi ko sana makakaharap si Claire," I said.
"No, kung meron mang may kasalanan dito. Si Claire 'yun, sumusubra na siya. Hindi na tama itong ginagawa niya sayo."
Nakatingin siya sa mata ko, ngunit hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretsu.
Ilang sandali pa ay bigla ko nalang naramdaman ang kanyang maiinit na braso sa aking katawan.
Sandaling gumaan ang pakiramdam ko, ngunit hindi ako pweding masanay sa ganitong sitwasyon.
Ayukong sa huli ay hanap-hanapin ko ito.
"Nathan please? Lumayo ka sa'ken," bulong ko ngunit ayaw sumunod ng katawan ko na magpumiglas. Tila gusto nito ang init na nagmumula sa lalaki.
"Body heat," inilagay niya ang kanyang baba sa ibabaw ng aking balikat, kaya't ramdam ko ang pagdampi ng hangin na lumalabas sa kanyang ilong at bibig.
"B-Body heat? Para saan?" bigla akong napalunok.
Bigla siyang humiwalay sa yakap na siyang bumitin sa pantasya ko.
Agad ko siyang tiningnan at halos lumuwa ang aking mga mata nang makitang bigla niyang hinubad ang kanyang puting damit.
Sa pangalawang pagkakataon, ay muli ko nanamang nasilayan ang kanyang katawang tila nililok ng isang napakagaling na eskulptor.
Biglang uminit ang aking mukha na para bang ako'y unti-unting sinisilaban.
"You look so red, okay ka lang ba?" tanong niya.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at naghanap ng palusot.
"Huh? Ga-Ganito lang talaga ako kapag nilalamig," palusot ko,
"Tsaka bakit ba bigla-bigla ka nalang naghuhubad sa harap ng ibang tao?" pag-iiba ko ng usapan ngunit biglang bumalik ang lamig sa katawan ko kaya't agad akong napayakap sa sarili.
"Does it feel better now?"
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Biglang nagrigudon sa kaba ang puso ko nang muling maramdaman ang kanyang yakap. Ramdam ko ang init ng kanyang balat na tumutunaw sa lamig na kanina lang ay nagpapahirap sa'ken.
Hindi kailan man sumagi sa isip ko ang ganitong eksina sa pagitan naming dalawa.
Ngunit sa mga pagkakataong ito'y hinihiling ko ang biglang pagtigil ng oras. Na sana'y... habang buhay kaming ganito; magkayakap at magkasama.
Dumaan ang ilang minuto ng katahimikan, nasa ganuon lang kaming posisyon. Walang may nais magsalita, tila sabay kaming napipi sa presensiya ng isa't-isa.
Hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa namuong katahimikan.
"Alliana, please be honest with me," napakahina ng boses niya na halos hindi ko na marinig.
Nanatili akong tahimik, hinihintay ang sunod niyang sasabihin.
Hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap ito sa kanya.
YOU ARE READING
Ang Sumpa ni Miss Piggy
BeletrieI am Alliana Marie Santos, isang maganda ngunit bigating nilalang... Yes I am fat! That's why they call me Miss Piggy... Pero nang dahil sa kanila, namatay ako. Ngunit sa aking pagpanaw, isang sumpa ang aking iiwan... Ang sumpa ni Miss Piggy