Twelve. Resbak

57 7 2
                                    

"Please Alliana... Stay with me."

Rumihestro sa malatsokolate niyang mga mata ang kanyang sinsiridad. Puno ito ng mga salitang hindi ko mawari kung ano.

"Hindi, naaawa kalang sa'ken Nathan. Hindi pagmamahal 'yang nararamdaman mo kundi AWA!"

Duon ko binawi ang aking kamay  na nakadantay sa kanyang matigas na dibdib.

"No Alliana, sigurado akong mahal kita. Maniwala ka naman sa'ken," napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo.

"Here's your menu Sir," singit ng isang waiter sa kalagitnaan ng aming pag-uusap.

Sinamaan siya ng tingin ni Nathan ngunit agad ding bumaling sa'ken.

"Pwedi ba Nathan! Hindi tayo bagay!" ani ko.

"Bakit hindi? Babae ka, lalaki ako? Panung hindi tayo bagay?" rason niya.

"May I recommend the chef's special?" muling singit ng waiter pero hindi ulit namin ito pinansin.

"Dahil..." bigla akong napatayo na siyang umagaw sa atensyon ng lahat, "nakikita mo ba 'tong hitsura ko?! Nakita mo na ba 'yang sarili mo sa salamin? Gwapo ka, pangit ako! Adones ka, baboy ako! Sikat ka, samantalang ako..." peste talaga... naiiyak nanaman ako.

Bakit ba ang hirap amining hindi kami pwedi dahil magkaibang-magkaiba kami?

"SO WHAT?! I don't fucking care! Alam mo ang hirap sayo, lagi mo nalang tinitingnan ang iniisip ng ibang tao!" napalakas na rin siya ng boses.

Kaya't sa mga oras nato'y nasa'men na lahat ng kanilang atensyon na may kasama pang bulong-bulongan.

"We also have a delicious buffet for you today----"

"PWEDI BA? HINDI MO BA NAKIKITANG NAG-UUSAP KAMI NG MAAYOS?! BAKIT BA SABAT KA NG SABAT?! WILL YOU PLEASE GET OUT OF MY SIGHT?!" nanggagala-iting bulyaw ni Nathan sa waiter.

Nanlaki ang mga mata nito at agad tumakbo palayo.

"So... Asan na nga tayo?" tanong niya na biglang bumalik ang kalamadong ekspresyon sa mukha.

"Kailangan ko nang umalis" kinuha ko ang dala kong back pack at aalis na sana ngunit heto nanaman siya at pinigilan ako.

Mabilis niya akong sinalubong ngunit bigla ko siyang iniwasan at sinadyang banggain.

Lakad takbo ang ginawa ko, ngunit ramdam ko ang mga matang nakasunod sa 'ken. Mga matang walang ginawa kundi ang manghusga. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko nang manatili sa lugar na ito.

Tiningnan ko ang likod ko nang tuluyang makalabas at napansing walang nakasunod sa'ken na Nathan.

Pilit akong ngumiti ngunit may kung anong kirot sa puso ko. Akala ko panaman susundan niya ako.

Nagsimula na akong lumakad ngunit hindi paman ako nakakasakay ng taxi ay bigla nalang umulan.

"Bwesit! Kung minamalas ka nga naman! Bakit ba kasi dikit ng dikit si Nathan sa'ken eh?"

Agad kong isinukbit sa ulo ko ang dalang bag upang hindi ako tuluyang mabasa ngunit imposibli ang nais ko dahil sa lakas ng ulan.

Maya maya pa...

*Spashhhh

Halos maubusan ako ng hininga nang biglang dumaan ang isang pink na kotse sa harap ko. Para akong sinabuyan  ng isang balde ng tubig nang tumalsik sa katawan ko ang naipong tubig sa semento.

"Hayop! Ho'y bumalik ka dito!"

Bigla itong tumigil at umatras pabalik sa kinatatayuan ko.

Ilang sandali pa ay tuloyang nagbukas ang bintana ng sasakyan na ang lulan ay isang pamilyar na pagmumukha.

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now