Nathalie's POV
"Nathalie, san ka pupunta?!" it was Claire, trying to get my attention.
Ngunit patuloy lang akong lumakad ng mabilis , hindi ko na kayang pigilan ang bigat na nararamdaman sa aking dibdib.
Why does it have to be him? Sa lahat ng tao, bakit si Gino pa ang kailangang maging kasintahan ng modelong yun? Simula pagkabata hinangaan ko na siya, simula pagkabata, minahal ko na siya. Umasa akong pweding maging kami, sinubukan ko siyang hanapin sa luob ng limang taong bigla nalang siyang naglaho.
Tapos ito lang? Ito lang ang madadatnan ko?!
IKAKASAL NA SIYA?!
"Wait! Where the heck are you going Nathalie?" naiinis niyang tanong nang tuloyan niya na akong maabutan.
"Masama ang pakiramdam ko, gusto ko nang umuwi," I said trying to compose myself.
"Are you kidding? Ba't ngayon pa? Magsisimula na ang ball Nathalie!"
"I'm sorry, I'm really sorry Claire. But I really have to go," lalampasan ko na sana siya nang bigla siyang magsalita.
"Is it because of Gino? Dahil ba kay Gino kaya nagkakaganyan ka? My god Nathalie! You're such a kid!"
Duon ako biglang napatigil.
"Walang kinalaman si Gino sa nararamdaman ko," pagmamaang-maangan ko.
Bigla nalang niyang inalis ang aking maskara na siyang ikinagulat ko.
"Tingnan mo nga yang mukha mo, you look so pained. You can't just lie to me Nathalie, matagal ko nang alam na mahal mo yung Ginong yun," she said.
Bigla ko nalang kinagat ang ibabang labi ko saka tumalikod. Duon pumatak ang mga luha ko.
"Fine, you're right! Well, you're always right, DI BA? Nasasaktan nga ako Claire," muli ko siyang hinarap, "Are you happy now? Masaya ka na at tama ka nanaman?! Ganyan ka naman eh, wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao! You're just a selfish-insensitive-brat!" galit kong sabi.
Hindi ko maintindihan pero napakasakit nitong ginagawa niya sa'ken. Kaibigan ko siya pero imbes na damayan niya ako'y lalo niya lang pinasasama ang luob ko.
"What is wrong with you Nathalie?! Nakita mo lang ang Ginong yun nagkakagayan ka na! Hindi talaga kita maintindihan! Well you please cut off the act already!" pagtataray niya.
Anong sabi niya? Act?! Sa tingin niya ba talaga umaarti lang ako?!
"Tch. Idiot," matipid kong turan.
Ayuko nang pahabain itong usapan namin, baka masira lang ang pagkakaibigang meron kami.
"Huwag mo nga akong tatalikuran!" sigaw niya nang akmang magwo-walk-out nanaman ako.
Hinawakan niya ako sa braso saka pinaharap sa kanya kaya't muli nanamang nagkasalubong ang mga mata namin.
"Alam mong ayaw kong tinatalikuran ako Nathalie," naiinis niyang turan.
"At alam mong ayukong pinapakialam ako Claire! So alisin mo yang kamay mo sa braso ko, baka kung ano pang magawa ko sayo," banta ko sa kanya.
Mabuti nalang at walang gaanong tao sa kinalalagyan namin, dahil kung hindi baka gumawa na kami ng eskandalo.
"Nathalie?! What are you doing here?"
Biglang inagaw ang atensyon namin sa lalaking nagsalita, napakapamilyar ng boses nito. Nakatayo ang pamilyar niyang pigura sa likod ni Claire, at hindi ako pweding magkamali, siya nga ito. Kahit takpan pa ng isang daang maskara ang kanyang mukha ay kilalang-kilala ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/235147911-288-k167149.jpg)
YOU ARE READING
Ang Sumpa ni Miss Piggy
Ficción GeneralI am Alliana Marie Santos, isang maganda ngunit bigating nilalang... Yes I am fat! That's why they call me Miss Piggy... Pero nang dahil sa kanila, namatay ako. Ngunit sa aking pagpanaw, isang sumpa ang aking iiwan... Ang sumpa ni Miss Piggy