Two. Sekreto

116 13 4
                                    

"Hmmm. Sharap! Ang sharap mo talaga baby! Ikaw na paborito ko ha?"

Sinusubukan kong kausapin ang isang supot ng daughnuts na hawak ng isa kong kamay. Pero hindi naman ito sumagot. Kaya't muli akong kumuha ng isa pa at nilamon ito ng buo.

Halos tumulo pa ang laway ko sa sobrang sarap ng mga ito.

Grabi, sana lang ay walang green minded diyan na makaririnig sa mga sinasabi ko.

Oh Diyos ko, ako'y iyong pagpalain!

Kasalukuyan kasi akong nasa likod ng room namin ngayon. Walang katao-tao rito kaya't malaya kong nagagawa ang paglamon ko sa malalambot na pagkaing ito sa mga kamay ko. Susubo na sana ako ng isa pa nang biglang...

"Ano ba? Baka may makakita sa'ten dito?!"

"Hindi yan, class hours naman eh. Kaya't sigurado akong walang tao dito. Halika na, kailangan ko yan ngayon eh!"

Kinabahan ako sa narinig.

Oh no! Hindi nila ako pweding makita rito. Baka isumbong nila ako sa propesor namin! Malilintikan talaga ako neto. Kailangan kong magtago!

Nakakita ako ng isang malaking puno sa gilid ng matayog na pader. Kaya't agad akong tumakbo palapit rito upang magtago.

Nahulog pa ang isa kong daughnut sa sobrang pagmamadali.

Sa mabilis na paraan ay agad kong  inakyat ang puno. Pero nabigo ako dahil sa bigat ng katawan ko. Kayat pilit ko nalang pinagkasya ang sarili sa likod ng katawan nito.

Sana lang ay di nila ako makita.

Tinakpan ko ang sariling bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay.

"Dito ba? Sigurado ka bang walang ibang tao sa lugar na 'to? Kinakabahan ako eh," rinig kong turan ng babae.

Sinilip ko kung sino ang babaing 'yun at nagulat ako sa nakita.

"Ano ka ba naman Claire? Diba gusto mong mapalapit kay Nathan? Tanggapin mo na itong inaalok ko, sigurado akong hindi ka magsisisi?"

Si Claire?! Anong ginagawa nila dito? Anong kinalaman ni Nathan sa usapan nila? At sino naman itong lalaking kasama niya? Mukha siyang adik. Subrang dami ng tattoo nito sa katawan at ang lalim ng mga mata.

"Akin na," ani ni Claire habang nagpapalinga-linga sa paligid.

"Anong akin na? Asan yung pera?"

Pera? Anong negosyo itong ginagawa nila? Bakit kailangan nila itong isikreto?

Oh no! Hindi kaya nagbibinta rin siya ng daughnut? Kakainin rin ba nila ito sa gitna ng class hours? Ampupu naman eh! GAYA-GAYA!

"Oh ayan! Bilis! Akin na yung drugs!" utos ni Claire sa lalaki habang iniaabot ang isang itim na sobre sa lalaki.

Tinnanggap niya naman ito agad at tiningnan ang laman.

"Good," nakangising turan ng lalaki ," Oh ayan, itago mong mabuti ha?"

Nakita kong iniabot nito ang isang supot na may lamang tatlong piraso ng gamot.

"Sigurado ka bang mapapasa'ken si Nathan oras na ipainom ko sa kanya to?"

Nakaramdam ako bigla ng kaba sa takbo ng kanilang usapan.  Ipainom kay Nathan? Mapasakanya? Naguguluhan ako. Inilabas ko ang aking telepono sa aking bulsa at in-on ang camera nito. Sinimulan ko silang kuhanan ng video.

"Siyempre naman, sigurado akong malakas ang tama ng drugang yan. Titirik ang mata mo kapag pinainum mo yan kay Nathan, siyempre samahan mo narin ng viagra," sagot ng lalaki.

Napanganga ako sa narinig. Isang reyalisasyon ang kusang pumasok sa utak ko.

"Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi. Ipahahunting talaga kita sa mga tao ng dad ko," banta ni Claire habang inilalagay ang druga sa kanyang bulsa.

"Teka nga, bakit ba kailangan mo pang gawin to? Maganda ka naman, sexy, at makinis. Ano pa bang hahanapin ni Nathan sayo Claire?" tulo laway na sabi ng hayop na lalaki habang  malanding nakatingin sa bruhang si Claire.

"Lumayo ka nga sa'ken! Hindi kita type! Tsaka wala kanang pakialam dun. Gusto ko si Nathan, at hindi matatapos ang gabing to na hindi siya napapasa'ken," naiinis na turan ng huli.

Nagulat ako sa narinig kaya't bigla kong nabitawan ang cellphone na hawak ko. Gumawa ito ng inga'y na siyang umagaw sa kanilang atensyon.

Mabilis akong tumagilid para di nila ako makita. Nagpapasalamat parin ako dahil halos kasing taba ko lang itong puno.

"Sh*t, baka may tao,"  gulat na sabi ng babae.

Kagaya ko'y nakaramdam din ito ng kaba.

"May tao ba diyan?!" tanong naman ng lalaki na sa tingin ko'y nakatingin na sa gawi ko.
Hala ano nang gagawin ko? Panu kung malaman nilang nandito ako? Ayaw kong katayin nila ako ng buhay! Lord pakiusap! Help me po!

"Tingnan mo kaya, mamaya may nakakita pa sa 'ten," ramdam ko ang pagkabalisa ni Claire.

Pero mas lalo akong kinabahan nang marinig ang mga yapak palapit sa'ken. Halos hindi na ako huminga, ramdam ko rin ang pag-uunahan ng pawis sa katawan ko.

Lalo na sa kili-kili at singit ko.

Pero mabait parin ang tadhana kaya't mabilis akong naka-isip ng paraan

"Meeeehhh!"

Bigla akong  napahuni na parang kambing. Ewan ko ba, wala na akong maisip na ibang paraan. Sana lang kumagat sila sa arti ko.

"Meeeh?" nagtatakang tanong ni Claire.

"Tss kambing lang naman pala," komento ng adik na lalaki.

"Meeeh!" pag-uulit ko.

"Panu nagkaruon ng kambing dito?" si Claire.

"Aba malay ko, halika na nga. Kambing lang yan. Di makapagsasalita yan."

Nakahinga ako ng maluwag nang
marinig ko ang papalayo nilang mga yapak.

Hindi ako makapaniwalang naniwala sila sa arti ko. Isa lang ang masasabi ko;

Pang PAMAS talaga ang acting skill ko at sana nuon palang nag-audition na ako sa PBB eh.

"HULI KA BABOY!"

Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig.

Ang inakala kong naglakad na palayong mga hinayupak, ay inungusan pa pala ako sa acting!

Narito sila ngayon sa harap ko't parang mga demonyong nakangisi.

Oh my Gosh!

Anong gagawin nila sa'ken?!

...itutuloy.

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now