Fifteen. Friendship Over

54 5 0
                                    

"So, are you going to tell us what happened last night?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina mama at papa habang panay ang lamon ng pagkain.

Kanina pa nila ako tinatanong kung ano raw ang nangyari kagabi at umuwi ako nang lasing na lasing.

Ang problema lang, wala akong matandaan! Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi rito kagabi eh.

"I swear *munch munch* ma! Wala akong *Lunok* matandaan! But I had a really bad *munch munch* dream!" paliwanag ko habang punong-puno ang bibig ng pagkain.

"A bad dream huh? Alam mo bang sobrang nag-alala kami sayo kagabi?! Akala namin napano ka na! Yun pala nakipaginoman kalang sa mga kaibigan mo! Kailan ka pa na totong--"

Bigla kong pinutol ang sermon ni mama nang pumasok sa isip ko ang isang bagay na kailaman ay hindi ako nagkarun.

"MGA KAIBIGAN? Ma, nagbibiro ka ba? Kailan pa ako nagkaruon ng MGA KAIBIGAN? Kung may kaibigan man ako, isa lang ma! And that's Nathalie!" rason ko.

Pareho silang napatigil sa pagkain nang marinig ang sinabi ko.

"Eh sino yung apat na babae at dalawang lalaking naghatid sayo kagabi ha?! They said they're your friends," si papa na may guhit ng pagtataka ang mukha.

"Ha? Apat na babae at dalawang lalaki?"

Bigla akong kinutuban.

Hindi kaya sina Claire yung apat na babae? Pero sino naman yung dalawang  lalaking kasama nila?

hmmm...That's odd.

Bakit nila ako ihahatid dito sa bahay nang lasing? At bakit naman nila sasabihing friends ko sila?!

Kailan pa ako naglasing?Ni hindi pa nga ako nakakatikim ng isang baso ng wine, ang maglasing pa kaya?

At kailan ko pa sila naging FRIENDS?

Ang gulo! Ano ba talagang nangyari kagabi? Isang tao lang ang makakasagot sa tanong ko, si Claire.

"Oh bakit natahimik ka? Guilty?" it was mama na nakataas pa ang dalawang kilay.

Sumubo muna ako ng tatlong kutsara ng ulam at kanin bago magsalita, "No ma,*munch munch* I'm not guilty okay? Wala lang talaga akong maalala sa nangyari kahapon. I'm so confused."

"That's because you're drunk," wika ni papa.

"Drunk? Or may amnesia? Wala po kasi talaga akong maalala ni kunti," rason ko.

Just to think of it...

Ang tanging naalala ko ay yung mga bulaklak at chocolates sa locker room. Hindi ba't galing kay Nathan 'yun? Then there's a note na nagsasabing magkita kami sa labas dahil ihahatid niya ako pauwi. Naalala ko pangang nag-antay ako ng tatlong oras eh, then after that...

Fudge! Wala na akong maalala!
Bakit ganun?!

*...*...*...*

"Bye ma! Bye pa! Ingat kayo!" paalam ko kina mama nang makarating kami sa school. Agad din silang gumura matapos kong magpaalam kaya't gura na din ang beauty ko.

Ngunit hindi paman ako nakakapasok sa gate ay agad ko nang narinig ang tsismisan ng dalawang babae na ngayon ay ang sasama ng tingin sa'ken.

"Gosh, ang landi talaga. Di na nahiya."

"Oonga napakatalented! Kagigil."

"Ang kapal ng balat no? Tingnan natin kung makangiti ka pa mamaya, pokpok."

"Hindi pa talaga siya nakuntinto kay bibi Nathan ko! Kainis siya!"

"Mabuti nga yun diba? At least alam na ni Nathan KO ang totoong kulay niya."

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now