One. Miss Piggy

178 18 4
                                    

"Anak tama na yan! Maawa ka naman!"

Eksahiradang suway ni mama sa'ken. Kanina niya pa kasi ako pinipigilan.

Kaso anong magagawa ko? Ito yung gusto ko, ito yung paborito ko. ITO YUNG HOBBY KO!

Ang lumamon ng lumamon! Oo, lamon talaga! hindi lang basta kain! LAMON!

"Ally! Maawa ka naman sa lechon! Tingnan mo oh, halos buto-buto nalang!" dagdag pa ni papa.

"Ma, Pa! Hayaan niyo na *munch-lunok* ako! Kunti lang *munch* naman eh *lunok*," sagot ko sa kanila habang punong-puno pa ng pagkain ang bibig.

Ganito lagi ang eksina dito sa bahay. Lagi kasi akong kumakain eh, ewan ko ba. Sa tuwing nakakakita ako ng pagkain, para akong nahihipnotismo. Hindi kaya may kung ano itong mahika kaya para ako nitong ginagayuma?

*Burp

"Hihi, peace yow," turan ko matapos dumighay habang nakapeace sign pa. Pero pinanlakihan lang nila ako ng mata.

Ako nga pala si Alliana Marie Santos, they call me, Ally. Pero madalas, tinatawag nila akong Miss Piggy. Bakit? Hindi ko rin alam, siguro dahil mataba ako. Matabang-mataba.

Hindi ko nga maintidihan kung bakit ako ganito eh, at kung kanino ako nagmana. Ang Sexy at ganda naman ni mama, dati kayang supermodel yun. Si papa naman ang ganda ng katawan dati kasi siyang gym instructor.

Madalas nga pinagkakamalan pa akong tita ni mama eh, minsan naman ampon.

Pero ang pinakamasaklap, madalas akong pagkamalang BABOY.

Matapos lumamon ay agad akong naligo, tiningnan ko ang oras at mukhang 30 minutes nalang ay late na ako. Mabagal din akong kumilos dahil sa bigat ng katawan ko, kaya nga walang araw na hindi ako late eh.

Papasok na sana ako sa banyo pero shheeet lang! Hindi ako nagkasya sa pinto, kaya't agad akong tumagilid para matagumpay na makapasok.

Nakakainis.

Bakit kasi hindi ginawang bilog itong pinto?!

Matapos ang isang oras ng pag-aayos para pumasok ay inihatid na nila ako sa unibersidad. Ako lang mag-isa ang nakasakay sa backseat, at halos sakupin ko ang mahabang upuan, si mama naman ang nasa passenger's seat katabi ni papa.

"Bye baby!" turan ni mama nang makarating kami sa labas ng school.

Hahalikan niya pa sana ako sa pisngi pero pinigilan ko siya.

"Ma naman eh! Nakakahiya ang daming tao," bulong ko sa kanya.

Natawa lang siya at walang nagawa kayat niyakap niya nalang ako bago muling sumakay sa sasakyan.

Nagpaalam muna sa'ken si papa bago nito pinatakbo ang kotse paalis.
.
.
.
.
"Miss Santos, why are you LATE again?"

Kinabahan ako bigla sa tanong ni ma'am. Nanatili akong nakatayo sa mismong pintuan. Super strict kasi siya pagdating sa oras kaya't walang araw na hindi ko siya naririnig sa kaparehong tanong.

"I'm sorry ma---"

"Ma'am pagpasensiyahan niyo na po si Miss Piggy! Mabagal talaga yang kumilos, panu ang daming taba sa katawan," pagputol ni Claire sa sasabihin ko.

Agad namang nagtawanan ang mga hinayupak kong kamag-aaral. Pero kung sa tingin nila'y nasaktan ako sa sinabi ni Claire!
Pwes!
Oo nasaktan ako!  Pero kailangan kong itago ang emosyon ko. Ayukong kakitaan nila ako ng kahinaan.

Iniisip ko nalang na mga insekto lang sila na walang magawa sa buhay.
Eh kung labanan kaya nila ako sa isang sumo wristling? Tch. Sigurado namang hindi sila mananalo sa'ken eh.

"Class Keep Quiet!" sigaw ng guro na halos maglabasan na ang ugat sa leeg, " Miss Santos, get inside and take a seat. Next time, magising ka ng mas maaga para hindi ka na nalilate."

Yun lang at ginawa ko naman ang sinabi niya. Pero habang naglalakad ako papasok ay nasa'ken lahat ng kanilang atensyon. Mga nakamamatay na tingin ang ipinukol nila sa'ken.Mabulag sana kayong lahat.

"Wahhh!" *BLAG!

Muling nagtawanan ang lahat. Hindi halatang nasisiyahan sila sa exhibitions ko! Bigla kasi akong nadapa nang isang lapastangang paa ang pumatid sa'ken.

Sinadya talaga nilang magmukha akong katawa-tawa. Mga Peste!

"Tumigil na nga kayo! Hindi ba kayo naaawa sa kanya?!"

Nagulat ako sa narinig.

Bigla silang tumahimik.

Babangon na sana ako nang isang kamay ang humawak sa malaki kong braso.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

Ibinigay niya ang isa niyang kamay sa'ken. Nag-alangan pa ako, pero ang ending tinanggap ko rin naman.

Tinulongan niya akong makatayo.

Duon ko nakita kung sino ang lalaking nag-aksaya ng oras para tulongan ako.

"Nathan!?"

Si Jonathan Aragon o mas kilala sa pangalang Nathan, ang pinakasikat na varsity player sa buong unibersidad. Bukod sa gwapo, mayaman at matalino, ay magaling rin siya sa maraming bagay. In other words, he is the  PERFECT description for a BOYFRIEND MATERIAL.

Kaya't hindi ko alam kung bakit siya nag-aaksaya ng oras para lang tulongan ako.

 Siguradong kinakatay na ako ngayon ni Claire sa kanyang isipan. Isa kasi siyang huwad na tagahanga ng lalaki.

"Sa-Salamat," ani ko na bigla pang nautal. Pesting dila.

Napayuko ako bigla nang nakaramdam  ng hiya.

"Are you okay?" tanong niya sa'ken saka ini-angat ang ulo ko.

Kitang-kita ko ang napakagwapo niyang mukha. Parang bumagal pa ang oras nang ngumiti ang kanyang mapupula at maninipis na mga labi.

"Blue eyes? Ang ganda pala ng mga mata mo," malambing niyang turan.

Sheeet, bakit bigla akong kinilig?!
Yung puso ko, ang lakas ng tibok. Parang lalabas na ito sa mataba kong dibdib!

Ang sarap na sana ng pakiramdam ko eh, kaso biglang...

"Tumabi nga kayo diyan! Ang laki niyong bulas! Lalo ka na Miss Piggy!"

Binasag ang pantasya ko ng isa pang insekto--- si Gino. Ang tinaguriang cold hearted prince ng eskwlahan. Sa kabila ng kanyang kasungitan at pagiging snobbish ay tinitilian parin naman siya ng marami. Sino ba namang hindi? Siya kaya ang karibal ni Nathan pagdating sa pupolaridad at maraming bagay.

Ang masama pa, pareho ko silang kaklasi sa dalawang minor subject. Bwesit na tadhana!

"What a jerk," komento ni Nathan sa kanya.

"Whatever," tila walang pakialam na sagot ng masungit na lalaki.

Biglang namuo ang katahimikan sa buong silid, maging ang aming guro ay bigla ring naestatwa.

Hindi ko naman siya masisisi, para kasing may nagbabanggaang ipo-ipo sa gitna ng dalawa.

At ako ang pinakatinatamaan ng ipo-ipong 'yun.

Panong hindi, eh nasa gitna lang naman nila ako.

Kaya't hinihiling ko nalang, na sana'y lamunin ako bigla ng sementong tinatapakan ko ngayon.

Sigurado naman akong mabubusog ito sa laki ko.

...itutuloy.

*.....*.....*.....*

Dear Readers!

I'm begging you! Pls give this story a chance! Wag kayong madamot! Nakakamatay yan Woi!

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now