Twenty-three. Shaken

68 6 0
                                    

Nathalie's POV.

'Nahanap na ang bangkay ng isang dalagita, 7 araw matapos ang pagdiklara nito bilang isang missing person.

Huwebes ng umaga nang kumpirmahin ng pamilya Santos na ang bangkay na nasa gilid ng ilog ay ang nag-iisa nilang anak na si Alliana Marie.

Ayon sa nakakita, palutang-lutang sa tubig at nasabit sa kawayan ang katawan ng biktima at halos hindi na makilala dahil sa wasak nitong mukha.

Kasalukuyan pang inaalam ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng dalaga. Ngunit ayon sa mga pulis, may nakita silang tama ng baril sa kanang braso at malalalim na sugat sa magkabilang hita nito---'

Biglang namatay ang tv habang nasa kalagitnaan ako ng panunuod. At wala paman akong sinasabi ay nagsalita na itong babaing katabi ko.

"At ano ang sabi ko sayo Nathalie?" ngingisi-ngisi niyang tanong. Mukhang hindi niya talaga kayang itago ang galak sa balitang narinig.

"I can't believe you Claire. Hindi ka manlang ba nakakaramdam ng kunsensiya?" tanong ko sa kanya na hindi halos maipinta ang mukha.

"At bakit naman ako makukunsensiya? Wala yun sa bukabolaryo ko beshy, lalo na ngayon na wala na akong karibal."

"Karibal? So you're actually threatened?"

Bigla siyang napatayo sa kanyang kinauupuan.

"OF COURSE NOT! Walang inaatrasan ang isang Claire Montemayor! At hindi ako mati-threaten sa isang baboy na kagaya niya. Lalo na sa isang malamig na bangkay," she was grinning.

She's ruthless, but I don't care. Hanggat maayos ang kinalalagyan ng pangalan namin, wala akong pakialam. Kahit pumatay pa siya ng isang milyong miss piggy, basta't huwag niya lang susubukang idamay ang pamilya ko sa gulong 'to.

Yes, magkaibigan kami, pero magkaibang bagay ang pamilya at kaibigan.

At para sa'ken, pamilya ang higit na mahalaga.

Pamilya at pangalan.

"Ngayong wala na sa landas mo si Miss Piggy, ano nang balak mo?" tanong ko.

Bumalik siya sa pagkakaupo at pinagkrus ang makikinis na mga hita.

"It's about time Nathalie, its about time na muling paibigin ang kuya mo," turan niya.

"Is that even possible? May kasalanan ka pa sa kanya Claire, at alam mong hindi madaling magpatawad si kuya Nathan," wika ko na tila nagpakunot sa kanyang nuo.

"Pero alam mong nagawa ko lang 'yun para ilayo siya sa babaitang yun! Besides, halata namang nag-enjoy siya sa ginawa namin eh!" she said almost yelling.

Medyo naaasiwa ako sa pinag-uusapan namin, ngunit kailangan ko itong sabihin.

"Talaga ba? o dahil lang yun sa drugang pinainom mo sa kanya?" hindi ko napigilang magtaas ng kilay.

Sandali siyang tumingin-tingin sa paligid.

"Will you please shuttup?! Mamaya biglang dumating si Nathan!" pilit niyang hininaan ang kanyang boses.

"He's out of town, nagpapalamig. Kaya't napakaimposibling marinig ka niya. Unless, may enhanced hearing ability siya," natatawa kong turan.

Para siyang nabunutan ng tinik sa narinig at sandaling minasahe ang kanyang sentido.

Hindi ko parin maiwasang isipan na may tinatago pala druga itong si Claite. Ito mismo ang dahilan kaya't nagawa niya ang mga bagay na'yun kay kuya Nathan.

At kapag nalaman ito ng kuya ko...

Siguradong hindi lang siya ang isusumpa nito, maging ako'y madadamay sa galit niya.

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now