Sino ba naman matutuwa kapag binato ka ng dumi ng kalabaw
diba? syempre wala.Unang pagkikita palang kumukulo naagad
dugo ko."Huy panget!" tawag ba naman sa'kin sabay bato ng tae.
Syempre di ako pumayag pumulot din ako ng tae, ayun binato
ko din."Panget mo mukha mo!" sabay sakal sa kan'ya.
"Ackk-- t-tama -n-aa." agad ko naman binitawan kawawa baka
mamatay."Alam mo napaka sadista mo dati kabang Amazon's
Hahahaha."sabay hawak sa leeg n'ya."Sino kaba ha? feeling close ka masyado." nakapameywang na
tanung ko."Ako pala si Budong." pagpapakilala nya, natawa ako ng
malakas."Ambantot naman ng pangalan mo HAHAH budong." halos
mahiga na ako sa palayan kakatawa."Aba ansama mo naman, bata! eh ikaw? ano ba name mo ha?"
tanung n'ya."Pinang, ako si Pinang." sabay hawi ng buhok ko, narinig ko
naman ang malakas n'yang tawa."Ambantot din ng name mo HAHAHAHAH." akmang sasapakin
ko s'ya ng tumakbo na s'ya paalis."See you, Pinang!"
--
Naging magkalaro kami ni Budong simula pagkabata, kahit
minsan parang aso't pusa na kami, masaya kami kasama ang
isa't isa.Ngayon 18th bday ko, liligawan n'ya daw ako, syempre nagulat
ako noh."Alam mo Pinang, kahit ikaw ang pinakapanget sa universe, ikaw
naman talaga pinakapanget HAHAHAH." sabay tawa ng malakas.
Bwesit na 'toh nangliligaw ba talaga 'toh diko nga sagutin."Joke lang Pinang, kaya nga kita nagustuhan kasi mahilig ako sa
hayop HAHAHAH joke uli." agad ko naman s'yang kinutusan ng
malakas"Ahhhh lumayas ka dito, Budong.Nangigil ako sayo." bago
s'ya hawakan sa kwelyo ng mahigpit."Waaa joke lang, Pinang.Di ka naman mabiro." iniripan ko lang
'toh bago s'ya iwan sa labas.--
Naging kami sinagot ko s'ya at hindi nagtagal sa edad na 25
nagpakasal na kaming dalawa.Masaya kami sa pagsasama
namin, same vibes daw kasi kahit di maiwasan ang away, still
inaayos padin namin."Huy Budong gising na papasok kapa sa trabaho!" alog ko sa
kan'ya."Mamaya na, Mahal." kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot
n'ya."Anong mamaya! mamaya malilintikan ka sa'kin.Tayo!" sabay hila
sa paa n'ya."Mahal mamaya na." sabay hila n'ya sa'kin pabalik.
Yinakap n'ya ako ng mahigpit bago halikan sa noo.
"Shhh, ganito muna tayo aga aga nag iingay ka eh." nawala
naman ang inis ko at umidlip nalang.Bigla nalang ako nagmulat ng maalala ko ang sinaing ko.
"BWESIT KA BUDONG KAPAG NASUNOG 'YUN SINAING KO
MAMAHAL KA TALAGA SA'KIN!" sabay takbo sa kusina.--
Ngayon 40 years na kaming kasal, may mga apo nadin kami na
makukulet, pero same old ganun padin trato namin sa isa't isa."Huy Gurang na Budong inumin muna gamot mo." bago iabot
ang gamot na niresita ng doctor."Huy anong gurang kayang kaya pa kita buhatin noh, tignan mo."
akmang bubuhatin n'ya ako ng tumunog ang buto n'ya sa likuran.
Agad naman akong napahagalakhak ng tawa."HAHAHA SINONG KAYA HA GURANG GURANG HAHA." malakas
na asar ko ng biglang tumunog ang buto ko sa likuran.Napaaray naman ako ng malakas habang nakahawak sa likuran.
"HAAHHA SINONG GURANG SA'TIN NGAYON HA?"nakangisi na
pangungutya n'ya bago ako alalayan paupo." I LOVE U ." nangagalaiting mura ko sa kan'ya.
"I LOVE U TOO ." sabay halik sa noo ko.
--
Ngayon tulak tulak nalang n'ya ako sa wheelchair papunta sa
park, kapwang inaalala ang kahapon."Alam mo Pinang, nun una kong kita ko sayo akala ko nakawala
kang hayop hahaha." asar n'ya sa'kin na agad kong sinamaan ng
tingin."Ako rin, akala ko nga may naliligaw na unggoy sa palayan
hahahaha bleh." asar ko pabalik.Patawid na kami sa kalsada ng may biglabg humaharot na Truck
ang tumama sa'min.Parehas kaming tumalsik dalawa sa kalsada, hinang hina ako
habang hinahanap ng mata ko si Budoy."B-u-do-o ng..." mahina kong pagtawag.
Gumapang naman s'ya ng dahan dahan sa'kin, di na namin
pinakinggan ang mga taong nagkakagulo.Hinawakan n'ya ang kamay ko bago ako halikan sa noo ng
dahan dahan."M-ahal na ma-hal kita, Pin-nang." mahina n'yang bulong bago
isara ang mata."M-ahal na mahal d-in k-ita, Bud-ong." bago lumabas ang luha
ko at isara ang mata.