TITAÑIA POV
"magkwento ka na habang nagluluto ka."
tinaasan ko ng kilay silang tatlo na nakaupo sa stool, sa harapan ng kitchen isle ko.
"hindi n'yo ko tutulungang magluto?" kunot noo kong tanong.
umiling si Ashley. si Jaishien naman ngumiti lang. "baka masunog ang kusina mo." natatawang sabi ni Astrid.
tiningnan ko si Jaishien. "ikaw? marunong ka namang magluto ah. bakit ayaw mo 'kong tulungan?" pinangningkitan ko siya ng mata.
"hindi ko alam ang gamit mo sa kusina." she shrugged.
'puta, ayos.'
napabuntong hininga na lang ako at naglakad papunta sa ref para kunin yung manok, na huhugasan ko dapat kanina.
"may rice cooker ka naman dito, 'di ba?" biglang tanong ni Astrid.
"bakit?" tanong ko pabalik at sinara na ang ref dahil nakuha ko na yung manok. dumaretso na ako sa lababo, para ipagpatuloy ang naudlot na paghuhugas ng manok.
"ako na magsasaing." pagpiprisinta niya.
"bakit pala puro keso itong nandito?" si Ashley naman ang nagtanong na siya ko namang sinagot, habang abala sa ginagawa.
"ipapalaman ko 'yan sa chicken breast."
"pwede ba 'yan pang-ulam? puro keso eh." ay jusme! ang daming tanong amputek.
"depende sa inyo. pwede din namang papakin niyo na lang, tapos magpakulo kayo ng tubig, then ilagay niyo yung nissin creamy seafood noodles. 'yon ulamin niyo." medyo naiirita kong suhensyo at halos padabog na ilagay sa strainer yung manok, na natapos ko nang hugasan.
"anong mga pinamili n'yo?" okay thats it! i quit!
nanggigigil ko silang hinarap. "tang'na! edi tingnan niyo na lang d'yan. puta! andaming tanong eh, kita niyong abala 'yong tao sa pagaasikaso ng makakain." reklamo ko.
tinaasan ako nang kilay ni Jai, halatang hindi nagustuhan ang attitude ko which wala akong pake. nakakairita kasi panay demand ng sagot.
"ba't g ka?" awkward na tumawa si Ashley ng mapansin na may namumuong tensyon sa pagitan namin ni Jaishien.
i let out a breath to calm myself. sleep over ang sinabi kong gagawin namin tonight, not a fight.
"sorry." sambit ko at hinilot ang sintido ko. pakiramdam ko nanakit bigla ang ulo ko.
"sorry din." nagpatango-tango na lang ako at ipinagpatuloy ang paghahanda ng makakain namin. tahimik ang buong kusina, ang tangi mo lang maririnig ay ang ingay ng ginagawa ko.
"Tañia...." i hummed as a sign na nakikinig ako.
".....'yong ikukwento mo....." napatigil ako sa paghihiwa ng mga keso at napatingala mula sa chopping board kay Ashley.
"oh. right. what do you guys want to know?" i asked before continuing to cut the cheese.
"everything." si Jaishien ang sumagot.
"ah.....ayun. humiwalay din ako kay Denis ng marinig ang mga bulungan ng tao. hinila ko si Astrid palayo para kumuha ng mga keso, tapos inutusan ko si Astrid na hanapin si Denis para ilagay na sa cart namin yung keso de bola at eden. hinahanap ko pa kasi yung mozzarela cheese kaya siya yung inutusan ko." sinulyapan ko si Astrid. "i assumed na nakita mo na si Denis bago ka umalis, kasi 'andito yung mga keso at bread crumbs." she confirmed my hunch when she nodded her head.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With My Bestfriend Boyfriend
Lãng mạn"what the heck?!" "is this a joke mom?" "i can't be with him! hindi pwede! "ayokong masira ang pangako ko sa besfriend ko!" my life became complicated nung nalaman ko kung sino ang taong makakasalamuha ko palage. and because of the stupid contrary...