🍺Chapter 1:The Bar🍺

601 7 1
                                    

Walang pasok ngayon sa may university namin kaya naman nandito ako sa sala ng apartment ko, nagbabasa nang libro habang sumisimsim sa mainit na tsokolate.

Sobrang tahimik nang paligid at halos ang maririnig mo lang ay ang ungol ng aircon, ang paglipat ko ng pahina nang libro, at ang painom ko sa hot chocolate. Dahil na din siguro sa kulob ang apartment na inuupahan ko o kaya naman dahil sa pinakataas ang tinitirahan ko.

Pero di bali na atleast mas maganda na ang tahimik kaysa naman sa maingay na halos hindi na ako makapag-concentrate tuwing nagrereview ako.

Nabaling naman ang atensyon ko sa cellphone nang ito'y mag-ring. Indicating that someone was calling me.

Kinuha ko ito sa lamesa at tiningnan ang pangalan na naka-flash sa screen.

'Ano na naman kaya ang kailangan nito?' sabi ko pa sa kaisip-isipan ko bago sagutin na ang tawag.

"Hello?" bungad ko.

"Hello Baks." bati nang tumawag.

"Oh? Bakit?"

"And'yan ka ba sa apartment mo?" kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Oo baks. nasa apartment ko ako. ba't mo natanong?" tugon ko sa kanya.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa couch at lumakad papunta sa veranda nang apartment ko. Dapit hapon na kaya naman medyo malamig na ang simoy nang hangin.

"Punta kami d'yan." Aniya.

Napataas naman ako nang kilay dahil sa sinabi niya, hindi muna ako nagsalita at pinag-masdan muna ang paligid ko.

"Actually on the way na kami. Susunduin ka lang namin d'yan, dahil nag-aya si Jaishien na pumunta sa bar." sabi pa nang kausap ko sa telepono.

"Sa bar? Teka ano naman ang gagawin natin sa bar?"

'Andami-daming lugar na matino, bar pa talaga ang napili. Ganda naman nang taste ng mga 'to.' napiiling na lang ako sa naisip.

"May ipapakilala daw siya sa atin. Boyfriend niya ata kasi kinikilig habang sinasabihan kami eh." Pagsasalaysay pa ni Astrid na halatang naguguluhan din.

Secretly Married With My Bestfriend BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon