Rhylle Centrixx's POVNAGISING ako sa malakas na sigaw ni Nanay at Tita sa labas ng aking kwarto,linggo ito ng umaga at huling araw ng bakasyon.Nagdesisyon na akong bumangon ng sa gayon ay mabatid ang dahilan ng kanilang pagsigaw.Naabutan ko silang dalawa sa sala at nakatingin pareho sa isang dyaryo.
"Magandang umaga po Nanay,Tita" masayang bungad ko sa kanilang dalawa,agad naman silang napatingin sa gawi ko,kitang kita ang napakasayang awra sa kanilang mga mukha.
"Anak halika tingnan mo ito tiyak na matutuwa ka" magiliw na anyaya ni Nanay kaya naman nagmadali akong lumapit sa kanila.
Iniabot sa akin ni Nanay ang kaninang dyaryong kanilang masayang pinagmamasdan.Lumaki ang aking mga mata sa aking nakita hindi ako makapaniwala.
Totoo ba ito?
"Congratulations sayo anak,matutupad na ang pangarap mong makapag-aral sa isang Unibersidad" saad ni Nanay at naluluhang niyakap ako.
Hindi parin ako makapaniwala sa aking nababasa,nakalagay sa dyaryo ang pangalan ng mga estudyanteng nakapasa sa scholarship ng Louis Bernadeth University isa ito sa mga sikat na unibersidad kaya naman pinangarap kong makapasok rin dito tulad ng ibang kabataan ngunit mayayaman lamang ang karamihang nakakapasok dito dahil na rin sa mahal na tuition at hindi iyon kaya ng aking pamilya,kaya naman isang biyaya ang makapasa sa entrance exam nito para sa mga gagawing scholar.
Napakaswerte ko naman,salamat Lord
"Oh sya halina kayo kumain na tayo at nang makabili na ng mga gamit mo iho" saad ni Tita Ester na naghahanda na ng makakain sa hapag.
"Ah eh Tita,Nay wala pa po tayong pera sa susunod na linggo pa po ang sahod ni Nanay wag na po muna tayo bumili" tugon ko naman.Isang labandera si Nanay at hindi sapat ang sahod nya para sa araw araw namin.
Agad namang pumasok si Nanay sa kusina,pagbalik nya ay may dala na siyang isang bilao na puno ng panindang Bananaque.
"Hindi problema iyan anak,magtitinda muna ako mamaya sa labas para naman kahit paano ay makabili tayo" malumanay na saad ni Nanay na ikinakunot ng noo ko.
"Nay ako na lang po ang magtitinda para naman makapahinga ka kahit papaano sigurado akong pagod ka at kulang pa sa tulog" tugon ko at agad na kinuha ang bilao kay Nanay.
"Pero anak kaya ko nam—"hindi nito natuloy ang sasabihin ng magsalita si Tita.
"Ano ka ba naman Teresa magpahinga ka naman,tama ang anak mo pumarito ka nalang ng hindi lumala iyang canc—"natigilan si tita ng tingnan sya ng masama ni Nanay.Nalito naman ako sa mga pinagsasasabi nila kaya marahan kong tiningnan si Nanay at binigyan sya ng nagtatanong na awra ngunit agad syang nag Iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Died For You (OnGoing)
Short Story•[BOOK DESCRIPTION] • Tungkol ito sa taong kayang ibigay at gawin ang lahat para lamang sa taong pinakamamahal nya handa nyang ibuwis ang lahat ng meron sya maging ang kanyang sarili buhay. Pano kung sayo mangyari ito?paano kung huli na ang lahat...