Rhylle Centrixx's POV
"Rhylle" saad ni tita ng kumalas sa pagyakap ko.
"Mabuti naman po at maayos kayong nakarating dito" nakangiting saad ko dito.
"Hindi sana ako makakarating dito, uuwi na sana ako ng walang masakyan ngunit may babaeng nagmagandang loob na pasakayin ako sa kanyang kotse kaya naman hindi nako nagdalawang isip na sumakay lalo nat dito rin sa Manila ang punta nya dahil dito pala sya nakatira" mahabang paliwanag nito nang nakangiti.
"Nakilala nyo ho ba yong babae?at ng madalhan ko po ng adobo na iluluto ko mamaya" nakangiting saad ko dito.
"Oo nagpakilala sya sa akin sa pagkakatanda ko ay Laura, oo Laura Furrer ang kanyang pangalan" nakangiting tugon nito saka uminom ng tubig.
Furrer?hindi kaya kamag anak sya ni Shane?
"Ah sige ho Tita bibili lang po muna ako ng manok at ng makaluto na po ako pagbalik" nakangiting saad ko saka kinuha ang singkwenta pesos sa bulsa ng bag ko, mura lang naman ang kilo ng manok kina Manong na nandyan sa baba.
"Oh sige ihahanda ko na ang iba pang kasangkapan para pagbalik mo ay magluluto ka na lamang, mag ingat ka Rhylle" nakangiting saad nito saka kumuha ng sibuyas at dumeretso sa kusina.Ako naman ay agad na bumaba upang bumili.
Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na ako at nagsimula ng magluto.Matapos ang 15 minutes ay natapos na ako sa pagluluto, marunong naman kasi talaga ako magluto kaya masaya kong inilagay sa isang paper bag ang nakaayos ng adobo.
Ibinigay naman sa akin ni Tita ang address kaya naman masaya akong naglakad patungo roon.Ilang sandali pa ay nakaratingna ako sa Address na ibinigay ni Tita, isang malaking bahay ang bumungad sa akin mala mansyon ito sa laki at hindi maikakailang mayaman ang nagmamay ari nito.
Dalawang beses pa akong nagdoorbell bago lumabas ang isang katulong.Binuksan nya ang gate at saka ngumiti bago nagsalita."Anong kailangan mo iho?" Magiliw na saad nito.
"Dito ho ba nakatira si Mrs.Laura Furrer?" tugon ko dito.
"Oo dito nga, sino po sila" muling tanong nito.
"May ibibigay po kay Mrs.Laura bilang pagpapasalamat lang po" malumanay at malambing na tugon ko dito.
Kapagkuwan ay nilakihan nya ang bukas ng Gate at saka ako iginaya papasok.Pinaupo nya ako sa isang Sofa at hintayin ko lamang daw ang Ginang dahil kanyang tatawagin sa itaas.
BINABASA MO ANG
Died For You (OnGoing)
Short Story•[BOOK DESCRIPTION] • Tungkol ito sa taong kayang ibigay at gawin ang lahat para lamang sa taong pinakamamahal nya handa nyang ibuwis ang lahat ng meron sya maging ang kanyang sarili buhay. Pano kung sayo mangyari ito?paano kung huli na ang lahat...