CHAPTER 15

9 2 0
                                    

Shane Lee's POV

ITS Tuesday.
Ngayon ang balik ni Tyrone sa University,pero parang may pumipigil sa akin na pumasok kanina pa akong pagbangon tinatamad,pero no choice kailangan Kong pumasok.
Pagkababa ko ay kumain lamang ako ng breakfast saka nagpaalam na papasok na.

Pagkadating ko sa University ay wala ni isa akong pinansin hanggang sa makapasok ako sa room.

"Woy bat ganyan mukha mo?" Tanong sa aking ni Colline ngunit hindi ko ito sinagot magsasalita pa sana si Xyrelle ngunit dumating na ang aming Lecturer.

Discuss.

Discuss.

Wala ni isa akong naintindihan sa itinuturo ng Lec.Para akong tangang nakatulala sa kung saan kanina pa ako kinakausap ni Rhylle para sa project pero hindi ko ito pinapansin at hindi din pinapakinggan at mas lalong wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nito tungkol sa kung ano.

"Hoy,hoy Shane"pagtawag nito sa akin kaya nabalik ako sa huwesyo at kunot noong napatingin sa kanya na nalilito ang awra.
Magsasalita na sana ako ngunit.

Break.

Tumayo na ako at walang paalam na umalis.Iniwan ko lang sila doon dahil wala ako sa mood.

Naisipan ko munang pumunta sa Locker ko dahil kukunin ko ang sapatos ko ngunit nang malapit na ako sa Locker ay Parang mayroong mabigat na bagay na naroon sa aking paa at pinipigilan akong lumakad patungo roon.Nagpakawala muna ako ng isang malakas na buntong hininga bago tuluyang naglakad papunta sa Locker,bubuksan ko na sana ang Locker ko ng mahagip ng mata ko ang isang babae't lalaking naghahalikan.

Para akong binuhusan ng tubig na may napakalamig na yelo nang makita ko ang mukha ng mga taong ito.Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking maiinit na luha sa aking pisngi.Saglit pa akong tahimik na umiyak habang sila'y pinanonood bago ito tuluyang tinuyo at naglakas loob na magsalita.

"Tapos na ba kayo?" garalgal ang boses ko nang sabihin ko ito,pareho silang natigilan at gulat na napatingin sa akin,pilit ko namang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya nanaman tumulo.

"Shane,magpapaliwanag ako" malumanay at kalmadong saad ni Tyrone na kunwari'y ikinangisi ko.

"Wala ka nang dapat pang ipaliwanag Ty,malinaw na ang lahat sa akin,kitang kits ko na lahat,masaya ka na ba?masaya ka na bang nahanap mo na ang gusto mo sa babae?" pigil ang emosyong tugon ko.
"Bakit hindi ka nalang nalang nakipaghiwalay sakin Ty,bakit kailangan saktan mo pako ng ganito,bakit kailangang harap harapan ko pang makita yang kababuyan nyo!" Bulyaw ko dito at hindi ko na nga napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha.Patuloy lang ito sa pag agos na para bang wala na itong katapusan.

"Shane that's not what you're thinking" sarkastikong tugon ni Tyrone at akmang lalapit sa akin ngunit agad akong lumayo.
Ngunit lumapit parin sya sa akin kaya naman mabilis na dumapo ang aking mga palad sa kanyang pisngi at hindi pa ako nakuntento at sinampal pa ang sa kabila.Napahagulgol na lamang ako ng iyak nang hindi makayanan ang mga pangyayaring nararanasan ko ngayon,napatango nalang si Tyrone sa aking ginawa.

Died For You (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon