Shane Lee's POV
*blagshhhhhh
NAGULAT ako ng bigla nalang natumba si Rhylle na dumudugo ang labi dahil sa malakas na pagkakasuntok sa kanya ni Tyrone.
"Omygod, Rhylle are you okey?" Tanong ko dito habang tinutulungan tumayo.
"Yeah dont worry" tugon nito habang pinapahid ang dugo sa kanyang labi.
Napatingin ako kay Tyrone na matalim parin ang mga matang nakatingin kay Rhylle, bakas sa mukha nito ang galit at parang nakulangan pa sa pagsuntok nito kanina.
"Tyrone whats your problem?" Pigil ang inis na saad ko dito at nilingon nya naman ako.
Hinawakan nya ng mahigpit ang aking braso at hinila ako paalis."Ano ba let go of me" saad ko at patuloy na tinatanggal ang pagkakahawak nya.
"Hey bro bitawan mo sya" pagpigil ni Rhylle kay Tyrone na nakasunod pala sa amin.
"At sino ka para utusan ako?" Galit na tugon ni Tyrone saka ako binitawan, hindi na nya inantay na makasagot pa si Rhylle at agad nya itong nilapitan saka pinagsususuntok.
"Tama na, tama na" awat ko kay Tyrone na patuloy pa rin sa pagsuntok.Nang makuntento ay tumayo ito at saka muling hinawakan ng mas mahigpit ang aking braso, nakita ko namang may mga estudyanteng tumulong kay Rhylle patungong Clinic kaya nakahinga ako ng maluwag.
Habang mahigpit na hawak ni Tyrone ang aking braso ay hinihila nya ako patungong locker, lalo pang humihigpit ang paghawak nito sa braso ko.Nasasaktan na ako.
Ano bang problema nito?"Hey stop nasasaktan ako" saad ko dito ngunit mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkakakapit at saka humarap.
"Masasaktan ka talaga kapag nakita ko pang kasama mo yong gagong yon!" pasigaw na tugon nito saka ako patulak na binitawan.
"Ano bang problema mo ha?his my classmate" pigil ang inis na saad ko dito.
"Classmate?may magkaklase bang sweet sa isat isa?sabihin mo nga anong meron sa inyo ng lalaking yon!?" Galit na saad nito saka sinuntok ang isang Locker na ikinagulat ko.
"Ano bang ibig mong sabihin ha?na nilalandi ako non at nagpapalandi naman ako ganon ba ha?ganon ba?" galit na ring tanong ko dito.
"At bakit hindi ba?" tugon nito at agad namang dumapo sa kanyang mukha ang aking palad.
"How dare you!" galit na saad ko dito habang hawak pa rin nya ang pisnging aking nasampal.
"I told you Shane, isang beses ko pang makitang kasama mo sya hindi mo na sya makikitang buhay" saad nito saka naglakad at ako ay iniwang mag isa sa Locker.
BINABASA MO ANG
Died For You (OnGoing)
Short Story•[BOOK DESCRIPTION] • Tungkol ito sa taong kayang ibigay at gawin ang lahat para lamang sa taong pinakamamahal nya handa nyang ibuwis ang lahat ng meron sya maging ang kanyang sarili buhay. Pano kung sayo mangyari ito?paano kung huli na ang lahat...