CHAPTER 9

6 2 0
                                    



Shane Lee's POV



NAGISING ako dahil sa mahinang pagyugyog sa akin, nang imulat ko ang aking mata ay natanaw ko si Mommy na nakangiting sinusuklay ang aking buhok kaya naman napangiti rin ako.

"Goodmorning baby" saad nito at saka ako marahang hinalikan sa noo.

"Mom im not a baby anymore, im not like Yeisha" kunwariy mataray na saad ko dito.

"You're always be my baby shane, basta if you have a problem just tell me im always here for you anak" saad nito at kapagkuwan ay niyakap ako na agad ko namang tinugunan, napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Oh sya maligo ka na at baka malate ka pa" saad nito saka kumalas sa pagkakayakap sa akin, ngumiti pa muna ito bago tuluyang lisanin ang kwarto ko.

Masaya akong bumangon at naligo dahil umagang kayganda ang bumungad sa akin.
Pagkatapos ay sinuot ko na ang aking Oversized T-shirt na kulay yellow at fit jeans.
Nang makuntento sa ayos ay saka ako tuluyang bumaba.
Naabutan ko si Manang na naghahanda ng breakfast para sa akin ngunit napansin ko namang wala roon si Yeisha.

"Ah manang si Yeisha ho?" Tanong ko dito saka kumuha ng egg sandwich at hotdogs.

"Kanina pa ho umalis maam, kailangan nya daw ho kasing agahan dahil may aayusin pa silang report" tugon ni manang na agad na nakapagpahinto sa akin sa pagkain.

Patay yong essay nga pala.

Nasapo ko ang aking mukha ng sumagi ito sa aking isipan, maaga akong natulog kagabi kaya naman hindi ko na nagawang magsulat pa ng essay at kahit naman magsulat ako ay wala rin akong alam tungkol don.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umalis matapos magpaalam kay manang dahil si Mommy ay may inaasikaso sa kanyang kwarto.Agad kong minaniubra ang kotse ni Tyrone na pinagamit nya muna sa akin at saka mabilis na pinatakbo ito.

Nang makarating sa University ay agad kong hinanap sina Xyrelle at Colline ngunit makalipas ang ilang minutong paghahanap ay wala akong nakita ni isa sa kanila.
Inilabas ko ang aking selpon saka idinayal ang number ni Colline.

Cring...cringgg

"Hello shane, whats up?" saad ni Colline ng masagot ang aking tawag.

"Hey where are you?" Tugon ko dito dahil yon naman talaga ang reason kung bat ako tumawag.

"Nandito pa sa bahay bakit?" Saad nito

"E si Xy?kailangan ko kasi kayo nakalimutan ko kasing gumawa ng essay about mendels mendels nayan dahil nga absent ako kahapon" mahabang tugon ko dito.

"Yan kasi ano bang pinanggagagawa mo at hinayaan mong magreport mag isa si Rhylle nako,anyway si Xy hindi papasok dahil may sakit ako naman baka malate pa" saad nito na ikinakunot ng aking noo.

Died For You (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon