CHAPTER 1: You Don't Own Me

1.1K 46 9
                                    

CHAPTER 1: YOU DON'T OWN ME

Napabalikwas ako ng gising matapos akong bangungutin. Mabilis akong luminga-linga sa paligid, nasa isa akong magarang kuwarto, ang hinihigaan ko ay hindi na maruming sahig bagkus malaki at malinis na kama.

Napakalambot at komportable ng hinihigaan ko. Napakalamig ng temperatura ng kuwarto dahil sa aircon na hindi ko napansin, hindi gaya noong mga nakaraang linggo ko na kasama si Anna noon sa abandonadong gusali na mainit at siksikan kapag natutulog dahil kasama ko ang ibang mga babaeng dinakip rin.

Iba na rin ang suot ko. Ang suot ko kagabi ay underwear lang at isang malaki at maruming long-sleeve polo, ngayon ay naka-itim na akong babydoll lingerie at lace panty lang na sobrang nipis.

Wala akong suot-suot na bra at talagang litaw na litaw ang cleavage ko. Dumagdag pa sa problema ko ang napakaikling suot ko kaya hindi ko maitago ang mga mapuputi at makinis kong hita.

Akmang baba sana ako ng kama nang may pumigil sa akin. Hindi tao, subalit ang kaliwang kamay ko ay hindi ko napansing nakaposas sa poste ng kama.

"Sh*t!" mahinang mura ko nang hindi ako makawala. Sinubukan kong hugutin ang kamay ko mula sa posas dahil maliit lang naman ang pulsuhan ko. Todo hugot ako sa kamay ko kahit medyo masakit at humahapdi dahil gumagasgas sa bakal ang balat ko.

My body suddenly twitch when the door slammed open. I immediately turn my face to him, it was a man with a scary black skull mask covered on his face. Ito yung lalaki kagabi na sumalo sa akin nang mawalan ako ng malay.

Humalukipkip ito at sumandal sa nakaawang na pintuan, walang imik itong nakatitig sa akin kaya naiilang akong nag-iwas ng tingin.

"I– It's rude to... Stare." I muttered.

Kinutuban ako ng masama nang isara niya ang pintuan, bahagya pa nitong kinandado iyon bago lumakad palapit sa akin.

"A– anong gagawin mo sa akin?" nangangatal kong tanong nang nasa harapan ko na ito. Hindi ito sumagot bagkus bigla nalang niya akong itinulak pahiga sa kama at kinubabawan dahilan para manlaki ang mga mata ko at mapahiyaw sa takot.

"G– get away from me!" Singhal ko at akmang itutulak siya gamit ang isang kamay ko pero kaagad niyang hinuli iyon at ipinako sa ibabaw ng uluhan ko.

Hindi ito nagsalita at walang imik na inilapit ang kaniyang nakamaskarang mukha sa akin. Wala akong nagawa kundi ipinikit ang mga mata ko at marahas na ibinaling ang ulo ko patagilid. Akala ko pagsasamantalahan ako nito pero inihilig lang nito ang kaniyang noo sa balikat ko.

I became silent. The room is so quiet, all I can hear is his heavy breaths behind his terrifying mask.

Unti-unti akong nagmulat para pagmasdan siya. Napalaki at kisig ng katawan nito, ang kaniyang buhok ay naka-low fade, napaka kapal at haba ng buhok nito sa gitna, partida naka-wax pa.

"P– please get off me." naiilang kong bulong. Umaasa akong susunod ito. As what I expected, kaagad naman siyang sumunod. Tumayo na siya at dire-diretsong lumabas ng kuwarto.

Pagkasara ng pintuan ay pumaupo ako sa gilid ng kama. Nang lingunin ko ang posas sa kaliwa kong kamay ay nakakalas na iyon sa akin.

Hindi ko naramdaman ang pagbaklas ng lalaking iyon sa posas na nakasuot sa kamay ko kanina.

Dali-dali akong bumaba ng kama at walang ingay na lumabas ng kuwarto. Ilang na ilang ako sa suot-suot ko habang bumaba ng hagdan, todo hila ako sa laylayan ng suot ko sa tuwing lumilitaw ang underwear ko. Napakatahimik ng paligid nang makababa ako.

Kiss of Death 1: CherryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon