CHAPTER 17: The Truth

452 35 2
                                    

CHAPTER 17: THE TRUTH

WARNING: This chapter contains sexual scenarios

Alas-siyete na ngayon ng umaga at narito ako sa terrace ng rest house ni Montage dito sa Tagaytay. Napakalamig ng simoy ng hangin at ang kalangitan ay natatabunan ng mga makakapal na hamog

Kakarating lang namin kaninang mga alas-cinco gamit ang mga pribadong sasakyan ni Montage, iba talaga ang buhay kapag mayaman gaya ni Montage, malayong-malayo sa pinanggalingan ko

Kung hindi lang siguro kami iniwan ng mama ko ay hindi namin mararanasan maging mahirap at kumapit sa patalim

Wala akong tulog dahil minu-minutong sumasagi sa isipan ko si Ken. Sa ngayon ay maayos na ang lagay ko, kahit na may mga pasa ako at tama ng baril. Pahilom na sana itong nasa kaliwa kong kamay, kaso bumuka ang mga tahi

Isinara ko na muna ang libro at MacBook na nasa harapan ko bago tumulala ulit sa magandang tanawin na nahaharangan ng hamog dahil kanina pa ako nag-aaral ng ASL

Itinaas ko ang kanang kamao ko at inilapat sa dibdib ko atsaka marahang ikinikis ng pabilog. "I'm sorry" I practiced as I imagined Ken infront of me

Pagkatapos ay itinaas ko ang kanang kamay kong nakababa ang hinlalato at palasingsingan ko. "I love you"

Then I point my index finger from my right hand to my chest. "And I..."

Jump my index finger to my chin. "Miss..."

Then I point the tip of my finger infront of me. "You"

Bahagya akong natawa nang magawa ko ng maayos ang mga pariralang gusto kong iparating kay Ken kung sakaling magkaharap ulit kami

Habang nakasimangot na nakatulala sa kawalan ay bigla nalang nag-ring ang iPhone ko, si Rowena iyon na nagyayaya makipag-video call through Messenger

Sinagot ko iyon bago inayos ang anggulo ng camera ko. Bumungad sa akin sina papa, Reezen, Reiner at Rowena

Their lips formed a big smile after seeing me on their screen

"Mama!" Reezen shrieked in between of joy and sadness. Hindi ko napigilang makaramdam ng kirot sa puso ko

Ang mga luha ay ganoon nalang kabilis na nangilid sa mga mata ko. "R- Reezen!" I waved my left hand covered in gauze to them

Pasimple kong pinunasan ang gilid ng mga mata ko. Pero mukhang nahalata na nila ako dahil sa mga mukha nilang bigla nalang napalitan ng pag-aalala

"Woy, Ate!" Maangas na banggit ni Rowena. "Ba't may mga pasa ka?! Okay ka lang ba?"

Pilit akong ngumiti at mabilis na tumango-tango. "Wala ito, okay lang ako. Mukha bang hindi?"

Lahat silang apat ay nagkatinginan bago humarap sa screen at walang imik na tumango-tango

"H- hayaan niyo na ako... Mapapawi rin ito" gumagaralgal na tinig ko

"Mama. Miss ko na ikaw at si papa" atungal ni Reezen habang yakap-yakap ang kaniyang teddy bear na galing sa akin

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha kong bumagsak mula sa mga mata ko na kanina pa'y pinipigilan. "Ako rin. M- miss ko na rin si papa mo"

Kiss of Death 1: CherryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon