CHAPTER 12: SLEEPOVER
WARNING: This chapter contains sexual scenarios
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na kaagad si Reiner at papa na pumunta sa perya. Mula sa anchor's away, horror train, bump cars hanggang sa lahat ay nasakyan namin, partida ay ang nakakatakot na museo ay pinasukan namin at muntikan pang makasuntok si Ken ng isang tauhan doon dahil sa gulat, habang si papa naman ay naiirita na kay Reiner dahil panay ang tili at kapit sa kaniya na parang isang batang paslit
Habang sina Rowena at Marion naman ay may sariling mundo kahit na kasama namin sila
Ang huli naming sinakyan ay Ferris Wheel, si Reezen ang nasa gitna naming dalawa ni Ken habang ang iba ay nakahiwalay sa amin
Kaso nasa kalagitnaan kami ng saya sa Ferris Wheel nang mahinto iyon, saktong nasa pinakatuktok kami. Akala ko ay nagkaroon ng problema lalo't na ng biglang mawala lahat ilaw
Doon lang namin napagtanto na oras na para sa Fireworks display na magaganap. Napakaganda ng puwesto namin dahil malinaw naming natatanaw ang mga fireworks na nagpapailaw sa madilim na kalangitan
At nang matapos ay saka muli umikot ang Ferris Wheel. Sa gabing ito ay napakasaya, pagkababa ay kumain na kami ng hapunan sa isang kilalang fastfood sa loob ng mall pagkatapos ay nagkayayaan na kaming umuwi dahil sa sobrang pagod at pananakit na ng katawan, lalo na itong si Reiner na hindi na makapagsalita dahil napaos na
"Sa bahay ka po muna namin, papa!" Aliw na aliw na sabi ni Reezen sa gitna namin ni Ken habang hawak-hawak ang kaniyang magkabilang kamay papunta sa parking lot
Napalingon tuloy sa amin sina Rowena, Marion, papa, at Reiner na nasa harapan namin
"H- huh?" Tuliro kong tanong dahil sa sinabi ni Reezen
"Puwede naman, gabi na rin. Pero nasa asawa mo pa rin, Rosean. Ang desisyon" giit ni papa
Rowena blow a breath helplessly
Nagtatanong kong tinignan si Ken. "Puwede ba? Okay lang na tumanggi ka kung may trabaho kang aasikasuhin bukas"
Tumango-tango si Ken dahilan para humiyaw at tatalon-talon sa tuwa si Reezen
Hindi ko napigilang mapangiti sa reaksyon ni Reezen, gayundin sina Ken, papa, at Reiner
Pagkarating sa parking lot ay nag-presinta si Marion na isabay si Rowena sa kaniyang sasakyan. Si papa naman ay pinagtulakan kami ni Reezen na sumama sa sasakyan ni Ken, habang sila papa at Reiner naman ay ang gumamit sa sasakyang hiniram ko
"Pasensya nga pala kina Rowena at Marion, Ken" sinserong usal ko kay Ken habang bumabiyahe na kami pauwi
Kanina kasi ay panay ang parinig at pang-aalipusta nila kay Ken, pero hindi nalang namin sila binibigyan ng pansin
Saglit ako nitong sinulyapan bago tumango-tango. Hindi ko alam kung malungkot ba ito ngayon o sadyang pagod lang
Sakto namang nahinto ang sasakyan dahil sa nagkulay pula ang stop light at may limang minuto ang nagbibilang ng paatras doon sa ibabaw ng stoplight. Ang mga tao sa magkabilang gilid ay tumawid na kaagad sa pedestrian lane
Habang tahimik na nakatunghay sa labas ay hindi ko pinansin si Ken nang ilapag niya ang kaniyang kanang palad sa tuhod ko. Napaigtad nalang ako nang dumulas ang kamay nito papasok sa laylayan ng dress ko
BINABASA MO ANG
Kiss of Death 1: Cherry
Fiksi UmumCherry Vermillio, a secret agent who entered in disguise in a black market wherein women are being auctioned to infamous and wealthy mobsters in the entire underground societies. Her mission is to capture the 2 specified culprits and rescue the wome...