CHAPTER 14: Silent Love

461 33 1
                                    

CHAPTER 14: SILENT LOVE

WARNING: This chapter contains sexual scenarios

Alas-onse na ngayon ng umaga, kakababa ko lang sa sinakyan kong taxi dito sa harapan ng malaking gate ng bahay ni Ken

Naandito kasi ako para ipaalam kay Ken ang nangyari kahapon at ang iba pang mga makabuluhang bagay. Pagka-doorbell ko sa gate ay kaagad na akong pinapasok ng mga bantay doon

Habang naglalakad papasok ay inayos ko ang suot-suot kong oversized black denim jacket na nakapatong sa suot kong red and black polka dots spaghetti strap dress

Itinago ko sa mahabang manggas ng denim jacket ko ang kaliwang kamay ko na pinaoperahan ko kahapon bago umuwi kasama sina Rowena at Reezen. Muntikan pang mahimatay non sina papa at Reiner nang maikuwento ni Rowena ang lahat ng nangyari

"Constella, nasaan si Ken?" Tanong ko nang makapasok ako sa bahay at makita si Constella na kakababa lang ng hagdan, bitbit ang isang vacuum

"Mrs. Constanza!" She blurted out before she run towards to me and captivated me with her arms

"Na-miss kita" mangiyak-ngiyak na aniya

"Si Ken nga pala?" Tanong ko nang kumalas siya sa akin

She grimaced. "Nasa opisina niya"

"Sige. Salamat" kaswal kong tugon bago tinungo ang pasilyo kung nasaan ang opisina ni Ken

Nasa kalagitnaan palang ako ng pasilyo ay naririnig ko na ang pamilyar na musika na nagmumula sa sa silid. Kumatok na muna ako bago pumasok

Look at you, kids, you know you're the coolest
The world is yours and you can't refuse it♪

Nadatnan ko siyang nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nagbabasa ng hawak-hawak niyang libro

Then our eyes met

Natulos ako sa kinatatayuan ko at nawalan ng lakas na magsalita nang tumayo siya, inilapag niya ang kaniyang libro sa ibabaw ng office table niya saka lumapit sa akin

Seen so much, you could get the blues but
That don't mean that you should abuse it♪

He laid his hand infront of me, there's a small charming smile on his sexy rubicund lips

"H- hindi ako marunong sumayaw" nahihiyang sambit ko

He chuckled before reaching for my left hand, covered with my sleeve and settled it on his broad shoulder. Then he snakes his right arm on my waist and pulled me closer to him

His left hand grab my right hand and intertwined our fingers

♪Though it's enough just to make you go crazy, crazy, crazy
I know, it's enough just to make you go crazy, crazy, crazy♪

Ken was the one to move first. Sinusunod ko lang ang bawat galaw niya habang sinasabayan ang tugtog. We're just swaying our bodies at a slow pace

Ang mga mata ko ay nanatili lang na nasa mga bughaw na mata ni Ken habang sumasayaw. Dati ay sa mga pelikula ko lang ito napapanood, noong prom naman kasi namin noong highschool ay walang nagyaya sa amin ni Montage sa sumayaw, panay lang din ang lamon namin noon sa catering

Kiss of Death 1: CherryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon