CHAPTER 11: UNEXPECTED GUEST
WARNING: This chapter contains sexual scenarios
"Excited na ba kayo?" Masiglang tanong ko sa pamilya ko. Nasa kotse kami ngayon, ako ang nagmamaneho, si papa naman ay nasa tabi ko habang ang tatlo ay nasa backseat
Napasuntok sa ere si Reiner sa sobrang excitement. "Yeah!"
"Syempre naman!" Abot-taingang ngiti ni papa
Reezen raises her hands in the air. "Opo, mama!"
Si Rowena naman ay walang imik at nakapokus lang sa kaniyang cellphone. Hindi rin namin ito makausap dahil may mga nakasalpak na earphones sa kaniyang tainga
Ilang minuto lang ang naging biyahe namin. Alas-tres na rin naman ngayon ng hapon kaya hindi masyadong mainit ang panahon, yun nga lang ay may traffic pero hindi naman iyon sing tagal na kapag nasa EDSA
Nang makarating sa parking lot ng mall ay humanap ako ng bakante para doon ilagay ang kotse
"Tara na!" Anyaya ni papa bago naunang lumabas. Ang tatlo naman sa likod ay lumabas na rin, saktong pagbaba ko ng sasakyan ay nag-ingay ang phone ko
It is Ken, calling
"Mauna na kayo sa loob" kuha ko sa atensyon ng apat. "Ite-text ko nalang si Reiner kung saan tayo magkikita"
Iniharap ko sa kanilang apat ang screen ng phone ko. "Business matters"
Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-ikot ng mga mata ni Rowena. Pero hindi ko na iyon prinoblema pa, alam ko namang kinamumuhian ako nito
"Oh sige-sige. Uuna na kami" pagpapakumbaba ni Papa bago hinawakan sa kamay si Reezen
"Mama. Ingat ka po ah?" Reezen waved her tiny hand to me. I waved back as I nod my head
Si Reiner naman ay inakbayan si Rowena atsaka sabay-sabay silang tumungo sa loob ng mall
Ako naman ay sumakay muli sa kotse para sagutin ang tawag. "What's up, Ken?" Bungad ko
"Mrs. Constanza, si Theo ito" pakilala ng nasa kabilang linya
Kumunot ang noo ko at bigla nalang nag-alala. "What happened? May nangyari bang masama kay Ken?"
"Well..." Theo drawl, I sense nervous in his voice. "He's slowly getting weak. His Nymphomania is attacking him once again"
"Nasaan siya ngayon?" I inquired
"Nasa kuwarto na siya ngayon at nagpapahinga" pahayag nito. "Nasa kalagitnaan siya kanina ng business meeting nang mawalan siya ng malay, kaya inuwi namin siya kaagad rito"
"Theo. Give him back his phone and leave. I want to talk to him alone" I pleaded
"Understood" as what I expected, he agreed
Habang inaantay na maibigay ni Theo ang phone kay Ken ay hindi mapakali ang mga daliri ko sa manibela
Nang marinig ko ang pagkatok at pagbukas ng pintuan ay alam kong nasa kuwarto na siya ng asawa ko
![](https://img.wattpad.com/cover/233506515-288-k711140.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss of Death 1: Cherry
General FictionCherry Vermillio, a secret agent who entered in disguise in a black market wherein women are being auctioned to infamous and wealthy mobsters in the entire underground societies. Her mission is to capture the 2 specified culprits and rescue the wome...