CHAPTER 15: Masquerade Party

480 33 0
                                    

CHAPTER 15: MASQUERADE PARTY

Pasado alas-sais na ng umaga nang makarating na ako rito sa airport, rito sa aklan. Isang malaking backpack at duffel bag lang ang dala-dala ko

"Borjaaaaa!"

Nahinto ako nang marinig ang malakas at umaalingawngaw na boses ni Montage sa malayo. Nakita kong may hawak-hawak pa siyang cartolina na kung saan nakalagay ang buong pangalan ko na tila ba'y banderang iwinawaygay pa sa ere

"F*ck" sambit ko bago tinalikuran ang gawi niya at nagpanggap na hindi siya nakita. Lumakad ako pabalik kung saan ako nanggaling pero nasa kalagitnaan palang ako ay may bigla nalang tumalon mula sa likuran ko at yumakap sa buong leeg ko

"Gotcha!" Montage exclaimed. "Saan ka pupunta?!" Tatawa-tawang aniya

Mas lalo itong nagpabigat sa likuran ko. "You're going on a wrong way, Borja"

"Ang bigat mong, t*ngina ka!" Nabibigatan kong singhal sa tila batang asal ni Montage

Awtomatiko siyang bumaba bago ako inakbayan at hinila patungo sa exit ng airport. "Come on! Uwi na tayo sa palasyo ko!"

Ilang oras ang naging biyahe namin pauwi sa hotel na kinaroroonan ni Montage gamit ang kaniyang kulay bughaw na sports car, mahigit isa't-kalahating oras ang inabot dahil nag-stop by pa kami sa isang drive thru sa fastfood para makapag-almusal

Pagkarating sa deluxe room na inookupa ni Montage ay iisa lang ang kama na naandon pero sobrang laki at lawak niyon. Pero hindi ko na kinuwestiyon pa si Montage, sanay na rin naman akong katabi siya dahil highschool palang kami ay madalas na kaming mag-sleepover

Alas-otso y medya palang ng umaga kaya natulog na muna ako para makapagbawi ng lakas. Hindi na rin ako ginulo pa ni Montage dahil alam nitong pag ginambala ang tulog ko ay makakatikim siya ng bagsik ko

Nang magising ako ng alas-diyes ay nasa loob ng bathroom si Montage, mukhang naliligo dahil sa tunog ng shower kasabay ang kaniyang mini-concert doon sa loob

Dinukot ko sa bulsa ng suot-suot kong maong ang cellphone ko para magbigay ng mensahe kina Rowena at Reiner tungkol sa kanilang pag-aaral, si Papa naman ay tinext ko rin kung kamusta siya at nagtanong tungkol sa pagbabalik-aral ni Reezen matapos siyang gumaling sa kaniyang sakit

Wala ni isang nagreply sa kanila, panigurado ay busy ang mga iyon. Ilang segundo na muna akong tumulala sa kisame bago bumaba ng kama para kunin ang mga libro at MacBook sa loob ng backpack ko bago tinungo ang balcony at naupo sa itim na swing chair

Doon ako nagpalipas ng dalawang oras habang inaaral ang bawat hand signs and meanings na nakaindicate sa libro at papel. Hindi naman ako nahirapan dahil habang inaaral ang nasa libro ay naka-video call kami ni mr. Caringal sa MacBook ko para i-guide ako

Nang matapos ay pumasok na ako sa loob, nadatnan kong nakahiga sa gitna ng kama si Montage habang nanonood ng We Bare Bears at kumakain ng Doritos

"I'm surprise that you're studying sign language, Borja" nakangising basag sa katahimikan ni Montage

"Dahil ang hirap ng hindi ko naiintindihan si Ken sa tuwing naghahand-sign siya sa mga tauhan niya" kinuha ko ang backpack ko bago naupo sa tabihan ni Montage

"Tungkol saan nga pala yung party na magaganap sa miyerkules" tanong ko habang isa-isang inilalagay ang mga gamit ko sa loob ng backpack bago ibinalik sa gilid

Hindi naalis ang kaniyang mga mata sa telebisyon. "Just a normal masquerade party" aniya bago dumampot sa loob ng chichirya at kinain

Napakunot ang noo ko bago nahiga sa kama at hinablot sa kaniya ang chichirya saka dumampot sa loob. "Masquerade? Yung kinakailangan pa na magsuot ng maskara?"

Kiss of Death 1: CherryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon