CHAPTER 6: Beautiful Scar

649 47 2
                                    

CHAPTER 6: BEAUTIFUL SCAR

Pilit akong ngumiti at tinanggap ang kaniyang pakikipagkamay. "I'm Rosean Borja. Nice to meet you, madame."

"Oh hija!" Natulos ako sa kinatatayuan ko nang yakapin ako ng ginang. "Don't madame me, dear. We're now in the 21st century. Just call me by my name."

"If you say so. H– Hadasa." Naiilang na wika ko. Bahagyang umismid ang labi ko.

"That's more like it! You 2 can go have fun now. Enjoy while it last." Kumalas na siya sa akin. Saglit pa munang nakipagbeso-beso si Ken kay Hadasa bago ako hinila ni Ken sa bisig palayo.

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang ugali ng lola ni Ken. Inaasahan ko siyang matapobre at narcissistic ang dating, 'yong tipong mamaliitin ako kagaya ng mga nangyayari sa teleserye. Pero baliktad, she's so humble and sweet.

"Sorry. I'm late." Giit ni Theo na bigla nalang sumulpot sa kung saan, may hawak-hawak siyang wide tulip glass na naglalaman ng champagne.

Nginitian ko siya. "It's fine. Theo."

"Finally! You 3 came!" A familiar man chimed in to the conversation from out of the crowd. Sabay kaming tatlo na napabaling sa kaniya.

Awtomatikong napawi ang saya sa mukha nina Ken at Theo.

"We never let people down, Resetti." Pormal na pananalita ni Theo. Si Ken naman ay pinaningkitan lang ng mga mata ang pilyong mukha ni Resetti bago dumampot ng isang kopitang champagne sa dumaan na waiter.

"Can we have a private conversation, Heineken Eliseo Constanza and Theodore Archimedes?" Resetti's eyebrows wiggled as he throws a shady look upon my husband, making me feel suspicious to this creepy man.

Ken glances at me as if he's asking for my permission whether they go have a private conversation with Resetti or not.

"Sige na. I won't mind." Pagpapaubaya ko saka kumalas sa kaniya. "I'll be fine here, alone. Besides, marami namang mga tao rito."

Ken huffed in defeat before pouting his lips and looking at me like I made a wrong choice before nodding his head like a brat that had no other choice but to go since I allowed him.

"Don't put yourself at risk, mrs. Constanza." Nagbabanta pang wika ni Theo bago silang tatlo umalis.

Nang maiwan akong mag-isa ay namasyal ako sa paligid. Kumuha ako ng isang kopitang red wine sa nakasalubong kong waiter.

Pagala-gala lang ako, hanggang sa may nahagip ang mga mata ko na isang matandang lalaki na may kausap na mga kalalakihan, si mr. Monteiro 'yon! Awtomatiko akong napaiwas ng tingin at lumihis ng daan sa kadahilanang ayaw kong makita niya ako ngayon.

Lumakad-lakad ako palayo, natigil lang ako sa harapan ng isang mahabang lamesa na puno ng mga iba't-ibang putaheng naka-buffet style.

Sa ngayon ay wala pa akong lakas ng loob na harapin at makausap ang boss ko kaya't ibinuhos ko nalang muna ang buong atensyon ko sa mga bawat pagkaing nasa lamesa para mapanatag, naghanap ako ng putaheng swak sa panlasa ko.

"Excuse me. I'd like to have those crispy mojos in a small bowl." Magalang kong utos sa nag-aassist saka itinuro ang gusto ko.

Ngumiti ang babaeng kausap ko. "Right away, ma'am."

Dumampot siya ng limang pirasong mojos at idineposito sa kinuhang maliit na bowl, nilagyan niya rin iyon ng sawsawan sa gilid.

Kiss of Death 1: CherryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon