CHAPTER 13: Car Chase

480 40 1
                                    

CHAPTER 13: CAR CHASE

Aligaga kong hinarap si Ken nang madatnan ko si Mr. Monteiro. "Kumain na muna kayo ni Reezen. Mamaya na ako"

Tumakbo ako palapit kay Reezen sa entrada at binuhat siya papasok saka pinaupo sa isang monoblock sa harapan ng hapagkainan. "Reezen. Kumain ka na muna"

Hinayaan ko nalang muna si Ken na maghain sa lamesa ng mga niluto kong ulam at sinaing

Sunod kong tinungo ay ang hagdan. "Rowena! Bumaba ka na at kumain na muna kayo!"

Atsaka ko binalingan si Mr. Monteiro na walang bahid na emosyon sa mukha na nakatunghay sa gawi ni Ken

"Let's talk outside" tawag-pansin ko sa boss ko bago nauna nang lumabas. Walang imik siyang sumunod sa akin, nahinto lang kami sa paglalakad nang ilang metro na ang layo namin mula sa bahay

I made my face rigid before facing my boss. "A- anong kailangan niyo, mr. Monteiro? Ba't kayo naririto?"

"Tama nga ang balita ni agent Espinosa sa akin. Na narito yang kriminal na yan dito" malamig na anito na diretsong nakatingin sa mga mata ko

Kumunot ang noo ko. "Paano nalaman ni Vincent?" Pertaining to agent Espinosa

"Nakita niya kayo sa mall kahapon, kaya't sinundan niya kayo rito" humalukipkip ito at pinanliitan ako nito ng mga mata. "May nalaman ka na bang impormasyon tungkol kay Hadasa Constanza?"

I shook my head twice obnoxiously. "W- wala pa"

Tinaasan ako nito ng isang kilay na ikinatakot ko. "Wala pa?"

"Wal-"

"Oh baka sadyang ayaw mo lang na sabihin?" He cut me off

Nagbaba ako ng tingin bago umiling ulit. "H- hindi naman sa ganoon, mr. Monteiro"

"Siguraduhin mo lang agent Vermillio na hinding-hindi ka papalpak sa trabaho mo, baka nakakalimutan mo? Tanggal ka na dapat sa trabaho kung hindi lang ako pinilit ni agent Mayhem na bigyan ka ng pangalawang pagkakataon"

Kumuyom ang dalawa kong mga kamay. Nakakapanghina ng loob sa tuwing pinapaalala sa akin ni mr. Monteiro ang kapalpakan ko noon

"You failed before. Dare to fail again and you're going to end up a failure. Don't let me down, agent Vermillio. H'wag mong sayangin ang natitira kong tiwala sa iyo" sunod-sunod na sermon nito dahilan para mamulat ako sa realidad na ang dapat ko talagang sundin ay ang nasa utak ko kaysa sa puso ko

"Aalis na ako. Ang misyon mo lang naman ang ipinunta ko rito atsaka..." Napamulsa ito. "Puntahan mo si agent Mayhem sa Aklan sa gabi ng lunes, para sa inyong misyon na magaganap sa miyerkules"

"P- pero-"

"May party na magaganap doon. Imbitado si Hadasa Constanza at ang kaniyang apo, naandon din si Liena Siega" he cut me off

Tatanggi pa sana ako, pero nang malaman kong naandon din pala ang destinasyon ng target ko ay hindi na ako umangal pa, sapagkat naroon din naman si Ken. Siguro ayun na ang tamang araw para mahuli na namin sila ni Montage

"Sige" tanging naisagot ko

"Na kay agent Mayhem na ang lahat ng mga kinakailangan mo sa Miyerkules, maliban sa iyong susuotin" anito saka may kinuha mula sa kaniyang bulsa at inilahad sa akin

Kiss of Death 1: CherryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon