Chapter 3

239 54 23
                                    

Chapter 3


"ANO BANG GINAGAWA natin dito sa Mall?" Si Martin na kanina pa nagrereklamo simula ng makarating kami sa Mall na palagi naming pinupuntahan noon ni Xander.

Hindi ko na namang maiwasang mapangiti sa tuwing sumasagi sa isip ko ang pangalan nya. Excited na akong makita sya ulit. Matapos ang usapan namin kagabi ni Marvin at ng sabihin nyang uuwi na bukas si King Xander ay hindi na ako mapakali at halos hindi na nga ako nakatulog kagabi dahil sa isiping uuwi na sya. Ang buong akala ko kase ay sa isang buwan pa ang uwi nya dahil yun ang sabi ng Mommy nito.

"Sasamahan mo 'kong magshopping ng mga bagong damit, sapatos and etc." Malapad ang ngiting bumaling ako sa kanya saka sya hinili sa tapat ng isang boutique na paborito namin ni Mommy.

"Ano namang nakain mo ha? Nabagok ka ba?" Anito saka sinapo ng dalawang kamay ang ulo ko. "Nandito lang tayo kahapon ah. Alam kong rich kid ka pero hindi naman makatarungan na araw-araw ka na lang gagasta ng pera. Bilhin mo na lang kaya ang mall no? Kakalurkey" Dagdag pa nito habang nakacross arm.

Napanguso naman ako sa sinabi nya saka ipinaliwanag kung bakit gusto kong mamili ng mga panibagong kagamitan. Hindi naman nakatakas sa paningin ko unti-unting panlalaki ng mga mata nya at ang labi nyang naghugis letter 'O' sa sobrang gulat.

"Seryoso ba yan girl? OMG! C'mon let's go! Akong bahala sayo. OMG!!" Pareho kaming excited at sabay kaming pumasok sa boutique.

Habang namimili ng damit hindi mapoknat ang lapad ng pagkakangiti ko. Sobrang saya ko kaya naman halos lahat ng mahawakan kong mga damit ay ibinibigay ko kay Martin para makapaghanap ulit ng panibago.

Sa bawat boutique na pinapasukan namin ay hindi kami lumalabas ng walang bitbit ni Martin. Hindi lang damit ang mga pinamili namin. Mayroon ding mga sapatos, jewelries, make-ups at kung ano-ano pa.

Pagkatapos naming magshopping umalis na kami ng mall at dumirtso kami sa salon na pag-aari ng auntie ko at iyon din ang palagi naming pinupuntahan kapag gusto naming magspa.

Nang maiparada ang sasakyan sabay kaming lumabas ni Martin at sabay din kaming pumasok sa loob ng salon.

"Magandang buhay the most beautiful woman on earth!!!" Agad na bungad samin ng isa sa mga baklang nagtatrabaho sa salon na si Gorg short for Gorgeous. Nakataas pa ang dalawa nitong kamay at bigay na bigay sa pagbati saming mga bagong dating.

"Good morning Gorg." Nakangiti ring bati ko sa kanya. Agad naman itong lumapit sakin at iginiya ako sa isa sa mga sofa na nandun.

"Huy Gregorio! Ano? Di mo ako nakita? Costumer din ako kaya tawagin mo din akong beautiful waman on earth!" Nagrereklamong naglalakad na nakapamaywang na sabi ni Martin. Nagtawanan naman ang ibang costumers na nandun.

"Huy Martinito bawal ang pet dito kaya tsupe! Di ka belong dito! At isa pa di ka naman babae no! Duh" Maarteng sagot naman ng huli na mas lalong ikinahagikhik ng mga costumers.

"Anong ingay itong naririnig ko mga bakla?" Anang ng kalalabas na babae sa may pantry ng salon. Hindi nalalayo ang edad nito kay Mommy.

"Auntie!" Magiliw akong lumapit sa kanya at nakipagbeso pagkatapos yumakap.

"Oh may nangyari ba at napasadya kayo dito.?" Bakas ang pag-aalala sa mukha nito bagaman nakangiti ito.

Umiling ako at nakangiting niyapos ang mga braso sa braso niya. "Wala po Auntie. Gusto ko lang po magspa at magpa make-over na rin." Hindi mawala-wala ang sayang nararadaman ko na itinatago ko sa aking matatamis na ngiti.

Seducing My Secret Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon