"Mag-iingat ka doon, anak ha? Jusko ang anak ko ang laki mo na." Nangingilid pa ang luha na sambit ng nanay ko.
"Sus! Hindi naman lumaki 'yan nay!" Inis na sinampal ko ang kapatid ko.
"Inggit ka lang! Bahala ka wala kang pasalubong sa akin pag-uwi!"
"Edi wala! Pakialam ko?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh, tama na yan! Aalis na ang Ate mo't laha't-lahat ganyan parin kayo! Hala! Sige! Magyakapan kayo! Just for the last time!"
"NAAAY!"
Magkasabay na sigaw naming dalawa. Wala kaming magawa kundi ang yakapin ang isa't-isa dahil nanlalaki na ang mata ni Nanay!
Halos masuka na ako. Hindi kasi ako sanay. "Feeling mo naman gusto ko 'to." Bwisit na sabi ng kapatid ko saka ako kinurot sa tagiliran. Pinitik ko naman siya palihim lang.
"Halika na! At baka ma late ka pa!" Yakag ni Nanay wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya.
Sa totoo lang ang excited na excited na ako. Kakagraduate ko lang kasi. May seminar kasi ng cooking sa cruise line na iyon kaya sasama ako. Gusto ko kasing mas marami pa akong matutunan. I really wanted to become a well-known chef, a famous chef of all time. because, that was my Tatay last favor before he died. I was just in my senior high when he passed away that's why the pain is still fresh.
Hindi nag tagal ay agad kaming nakarating sa manila port. And for the last time niyakap ko si Nanay at kasama narin ang kapatid ko. 1 month lang naman ako sa seminar.
Pagkatapos kong mag check-in ay nag stay na ako sa cabin ko. Mamaya pang alas 10:00 ng maaga magsisimula kaya pwede pa akong magpahinga alas ocho palang kasi.
Ang daming tao. Siguro kasama din sila sa seminar ng culinary.
I was looking around, taking pictures of the ship. Ang pangalan ng ship ay Sireenee. It was a big ship. To be honest tuwang-tuwa ako. Kaso hindi ko masyadong pinapahalata dahil baka mapagkamalan akong ignorante.
Habang naglalakad ay napatigil ako dahil may nakita akong pogi. As in, sobrang gwapo. Sobrang tangkad, medyo kulot na messy ang buhok. And from the looks of it hindi siya pure pinoy, may lahi siya.
Baka pag may makakita sa akin na titig na titig sa lalaking ito baka maisip nila na gusto ko siya. No, nagwapuhan lang ako sa kanya. Isa pa, hindi ko siya kilala. Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla siyang mapatingin sa gawi ko. Doon ko nakita ang pair green eyes niya. Ang sarap titigan. Ang ganda ganda ng mga mata. And his skin hindi siya masyadong maputi sakto lang. Ang tangos ng ilong, medyo makapal na kilay, at sobrang pula na maninipis na mga labi. Tapos panga palang ulam na. He has also a body to die for.
Nagulat ako ng bigla siyang ngumisi at bahagyang lumapit sa direksiyon ko. "You wanna f*ck?"
Nanlaki ang mga mata ko saka namula sa sinabi niya. What the fudge? This guy is crazy! Binabawi ko na ang mga puri ko sa kanya. Ang bastos ng bunganga. Hindi ako makaimik.
"What? Sorry miss but, I'm not in the mood to f*ck."
Napatingin ako sa mga taong tinitingnan ako mula-ulo hang paa. Akala siguro nila na inaaya ko ang lalaking 'to.
Bigla akong nainis. Sa tanang buhay ko siya lang ang nakapagsabi ng ganto sa akin. Manyak!
Ngumisi siya ulit saka tumalikod na. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumugod sa kanya.
YOU ARE READING
50 Days Stuck With Him In The Island
MaceraDay-1 until Day-50 ❤️Read it you'll not regret❤️