1

10 3 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

" Talaga bang hindi ka sasama?"  tanong nito. Ilang ulit ba naman itong magtanong sa kanya.

Napangiti naman ako at tumango tango na para bang sigurado na talaga ako.

Naisipan kong magbasa dahil wala naman akong ginawa buong araw. Isa ito sa mga hobby ko ang pagbabasa. Dahil na din sa pagbabasa ko. Na diskubre ko ang talento ko sa paggawa ng kwento.

Nakita ko ang gwapong gwapo kong Kuya na nakatayo sa harap ko.
Nakasuot ito ng simpleng Jeans and shirt. Pero hindi makakaila ang ang gwapong mukha at tikas nito.

Well hindi naman sa pagmamayabang dahil pinagpala din naman ang mga kapatid ko except me.
Dahil sa may lahi kaming Spanish. Kaya hatak atensyon talaga ang mga kuya kong to.

By the way Emond Salvatore ang pangalan ng kuya kong to. Pangalawa ito sa panganay. Seryoso pero marunong din naman magbiro. Sa pamilya nga lang namin. Mahilig si Kuya sa mga sasakyang pandagat. Kaya konektado ang kompanya nito sa mga sasakyang pandagat. Dugo at pawis ang puhunan nito.

Naisipan akong puntahan ni Kuya. Kung nagtataka kayo kung nasan ako?

Nasa garden ako ng Mansion. Well Salvatore is a big Clan. At hindi lang iyon. Hindi naman sa pagmamayabang. Pero isa sa pinakamayaman ang Salvatore sa mundo.

Nasa garden ako at dito ko naisipang tumambay dahil alam kong walang manggugulo sa akin. Si Kuya lang naman ang nanggugulo ngayon dahil aayain ako nito na pumunta ng Bar. Luxury bar I think. Well dahil sa reputasyon namin bilang Isang Salvatore. Buong buhay namin maraming paparazzi ang umaaligid aligid. Mabuti na lang at nagawa naming masurvive sa pamumuhay na ganoon.

At Isa pa. Hindi basta basta ang pinupuntahan ng Isang Salvatore.

" Sorry Kuya. Wala talaga ako sa mood." Na sabi ko na lang. Nakita ko ang pagsimangot nito. Nakaramdam naman ako ng pagka guilty.

Kasama sina Kuya Ruden at Era pupunta ng Bar. Ako lang talaga na KJ na tao ang humindi dito.

Ruden Salvatore ang panganay sa aming apat na magkakapatid. Kung seryoso si Kuya Emond. Lalo na ito. Pero hindi naman iyon sagabal sa relationship naming magkakapatid. Dahil kahit ganoon si Kuya Ruden. Malapit pa din ito sa amin. Kaya lang dahil sa may kompanya na ito ngayon. Ayon minsan na lamang din nagkakausap at nagkakasama.

Si Kuya Ruden ay isang Engineer. May firm itong minamanage. Hindi lang Isa o dalawa. Marami iyon. Nanggaling din sa dugo at pawis iyon ni Kuya kaya na achieve nila ang dapat sa kanila.

Kung nagtataka kayo. Iba din ang kompanya na hawak ni Mom at Dad. Sa ngayon wala sila dahil sila ang tumataguyod dito.

Paano ba naman? May sari-sariling kompanya ang mga anak nito na si Kuya Ruden at Kuya Emond. At alam kung proud na proud sila Dad at Mom kina Kuya.

Pero alam kong dadating ang araw na magreretiro si Mom at Dad sa kompanya. Kaya kinakailangan din ng dalawa kong kuya e manage ang kompanya namin.

Kailangan lamang nilang magtulungan.

Ang pinaka bunso naman ay si Era Salvatore. Bubbly na tao at madaldal. Kapag kasama nito ang kaibigan. Parang may sarili silang mundo. Incoming second year College na Isang Flight Attendant.

Makulit din to. At pasimuno ng kabulastugan. Kung sino pa yung matanda siya pa yung nangunguna.

Paano ba naman? Imbis na maging modelo at magandang ihemplo sa mga nakakabatang pinsan namin.

Siya pa yung leader ng pagsusugal.

Lucky Nine

Tong it

Secreto OscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon