🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁
" Ang ganda ganda talaga niya." Rinig kong ani ng isa sa mga kasama ni Manang Dalya. Nakatitig ito sa akin. Kaya alam kong ako ang tinutukoy nito. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanila. Hindi naman bago yang naririnig ko sa kanila.
Kapa nakikita nila ako. Napapangiti ang mga to at minsan nakatitig sa akin. Hindi naman sa assumera ako. Minsan kasi nahuhuli ko.
Nahihiya ako kapag sinasabihan ako ng ganoon. Nasa kusina pala ako. Bigla kasi akong na uhaw. Kaya kumuha ako ng isang baso ng malamig na tubig.
Naabutan ko sila Manang Dalya na naglilinis. Dahil sa may edad na si Manang. Hindi na ito masyadong pinagtatrabaho.
Kailangan na lamang nitong gabayan ang mga bagong kasambahay.
Kunwaring hindi ko na rinig iyon. At lumapit sa kanila.
" Manang may maitutulong po ba ako?" Tanong ko kay Manang Dalya. Nakakahiya naman na ilang araw na akong nanatili dito sa mansyon. Pero wala namang akong ginagawa. Nagmumukha akong prinsesa.
" Naku ikaw talagang bata ka. Kabilin bilinan ni Sir na huwag lang pagudin. Kakagaling mo lang." Ani naman ni Manang.
" Si Manang talaga. Hayaan niyo na po ako. Hindi naman po to makakarating kay Sir Arnando at Maam Alena kung walang magsusumbong. Hayaan niyo na akong tumulong." Saad ko.
Narinig ko ang pagtawa ng ilan sa kanila. Nalaman kong nagluluto sila ng kakainina mamaya for lunch. Si Manang naman seryoso talaga na ayaw akong pagalawin ng kung ano. Mabuti naman at napapayag ko ito. Pero hindi kabigatan ang binigay nito. Wala naman akong nagawa. Atleast pinayagan ako kaysa tumanga nga na lamang ako.
Agad nagpakilala ang ibang kasama ni Manang. Sina Pinay, Marta, Kana, Fia, at Mera.
Agad naman akong nagpakilala dito. Hindi sa totoong pangalan ko. Dahil nakalimutan ko iyon. Kaya binigyan na lamang muna ako ng pangalan at pinagamit sa akin ang apelyido ng mag-asawa.
Nagpakilala ako bilang Adeline Morrellano. Okay na din sa akin ang pangalan. Pinag-isipan iyon ng mabuti ng mag-asawa. Pero yung hindi ako sure yung ginamit ko ang apelyido ng mag-asawa. Parang ang kapal kapal ko na talaga. Hindi lang paninirahan, pagkain, pangangalaingan, pati pa ba naman ang apelyido ng mag-asawa.
Gusto ko na lamang magpalamon sa lupa. Dahil wala na yata akong ihaharap sa mag-asawa. Sobrang bait ng mga to.
Alam naman ng lahat sa mansyon ang sitwasyon ko. Kaya hindi na sila nagtanong ng gamitin ko ang apelyido ng amo nila.
Naging maayos din ang pakikisama ko. Kung nagtataka kayo kung nasan si Mr. at Mrs. Morrellano.
May pinuntahan ang mga to. Meron silang business. Sa pagkakaalam ko grocery store. Tatlong palapag iyon. Hindi ko pa iyon nakikita. Pero bibisitahin din namin iyon. Gusto ipakita ng mag-asawa sa akin.
Hindi ko ikakaila. Naging malapit na din sa akin ang mag-asawa. Ganoon na din ang mga anak ng mga to.
Hindi pa ako ngayon nakakalabas ng Mansyon. Kahit na pumunta sa Hardin at taniman ng gulay. Hindi ko pa nagagawa. Yes. Nagulat kayo noh?
Nagulat din naman ako ng marinig iyon kay Maam Morrellano ang taniman ng gulay. Iba daw ang Hardin. Iba naman ang taniman ng gulay.

BINABASA MO ANG
Secreto Oscuro
RomansSecreto Oscuro A Spanish word " Dark Secret " According to the Google. Dark Secret is a piece of information that is extremely private and confidential, usually implied to be embarrassing, incriminating, or shameful. What could it be? ...