🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁Amer's POV
Napapamura na lamang ako sa sitwasyon ko ngayon. Bakit ngayon pa nagsisulputan ang mga h@yop na to. No choice kundi ang lumaban. Wala naman akong matatakbuhan.
Aakmang hahawakan sana ako ng isa sa kanila ng sinuntok ko ito. Napahawak ang taong yun sa panga. Napangisi ako. Kahit na babae ako malakas pa din naman akong lumaban.
Hindi nga lang kasing lakas sa mga lalaki sa pamilya namin. Tsk. Sa yaman ba naman at kilala ang pamilya. Alam kong madaming magtatangka. Kaya upang maprotektahan ang sarili namin. Tinuruan kami ng self-defense. At ibat-ibang taekwondo.
Katulad ngayon. Meron malaking mga men in black sa harap ko at pilit akong pinapasakay sa isang sasakyan. Kaya no choice ako kundi ang lumaban. Kung titignan talaga wala akong panama. Dahil may mga baril ito. Sapilitan nila akong pinasasakay. Kahit na nag-alala sa sitwasyon ko. Nagmatigas pa din ako. Kanina ko pa naisip kung hindi nila akong kailangan ng buhay? Edi kanina pa ako nakasalampak sa malamig na daan na ito. Pero ni isa sa kanila walang nagkikiming barilin ako. Kaya napa isip ako na kidnap for ransome ito. Dahil once na namatay ako hindi pa din nila napapakinabangan.
" Sumuko ka na lang Miss ng hindi ka masaktan." Saad nung Mama na nasuntok ko sa panga.
Sumuko? Sa totoo lang kayang kaya ko naman talaga sila. Pero alam kong hindi para sa akin ang araw na to. Dahil bigla yata akong napagod. At mahina yata ang resistensya ko.
Dahil ba iyon sa kulang ako sa tulog? Tsk.
Tinignan ko lang ito. At binilang ang mga taong makakalaban ko. Napamura pa ako. Labing-lima vs isa at babae pa.
Walanhiya. Sumugod ang Isa sa kanila kaya umiwas lang ako.
" Hindi ka makakatakas Miss. Kaya kung ako sayo sumuko ka na lang." Wika naman ng Isa pa sa kanila. Napapalibutan na ako ng mga to.
Agad kong sinipa sa when hurt the most ang Isa sa kanila. Kaya napamura ito at nakasalampak sa Lupa. Sumugod na din ang dalawa. Susuntukin sana sa kanan ko ng sinalo ko ang kamay nito at siniko naman ang sa kabila ko. Naramdaman ko itong sumulpot sa gilid ko. Siguro plano ng dalawang Mama na to. Na habang naka pokus ako sa Isa. Agad naman susulpot ang Isa. Pero nagkamali yata sila.
Malakas ang pakiramdam ko at Isa yun sa training namin bilang kasapi ng pamilya. Lumayo ang Mamang na siko habang humalik ang pokus ko sa lalaking hawak ko yung kamao. Agarang binigyan ko ito ng napalakas na sipa.
Kaya napasalampak ito sa Lupa. Muntik pa akong ma suntok ng nawala ang pokus ko. Lima ba naman ang sunod sunod na sumugod sa akin.
Nagawa kong masangga ang dalawang suntok. At maitulak ang dalawa. At agad ko na sipa ang taong nasa likuran ko. Naiwasan ko naman yung isa Pero hindi yung huli. Kaya napapikit na lamang ako. Siguradong tatama yun sa mukha ko.
Ilang segundo nakalipas hindi ko naramdaman ang suntok kaya napamulat ako. Hindi ko inaasahan na may taong susulpot at yun nakipagbugbugan sa Labing-lima na ka tao. At huwag kayo ha. Limang ka tao na lamang ang nakatayo sa harap ko. Isang babae at apat na lalaki. Na para bang nag-aalangan na sugurin ang babae.
" Sino ka?" Tanong ng Isang Mama.
Hindi naman kumibo ang babae. At sinugod isa isa ang mga to. Napahanga ako sa nakikita. Ang bilis ng Babae. Sunod sunod na ungol at mura ang narinig ko bago sumalampak ang mga to sa Lupa.
BINABASA MO ANG
Secreto Oscuro
RomanceSecreto Oscuro A Spanish word " Dark Secret " According to the Google. Dark Secret is a piece of information that is extremely private and confidential, usually implied to be embarrassing, incriminating, or shameful. What could it be? ...