🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Adeline/Amer's POV

Kakatapos lamang ng klase. Naninibago pa ako sa buong umaga. Pero naka survive din naman. At dahil bago pa lamang ako. Nagmumukhang loner ako. Hindi sa walang gustong kumausap sa akin ha.

Sasabihin kong may lumapit kanina sa akin at nagpakilala. Inaya pa nila ako. Pero ako na yung tumanggi dahil may kikitain ako. At sila Kana iyon. Nakatanggap kasi ako ng message mula sa kanya na magkikita kami sa Cafeteria. Agad ko naman nireplayan iyon. Wala namang problema dahil nga may guide ako kaya hindi na ako nagkanda ligaw ligaw.

Napapansin kong napapatingin ang ilang estudyante sa akin. Hindi ko alam kung bakit.

Pero imbis na bigyan pansin pa iyon. Binalewala ko na lamang at dumiretso sa Cafeteria. Which is narating ko naman. And the design I like it.

Pagpasok ko. As usual merong nag-iingay. Naghaharutan na mga barkada. Hindi harutan gaya ng flirt ha. Merong nag-eenjoy ng pagkain. Meron din mga bookish. At iba pa.

Agad naman akong naghanap ng bakanteng upuan. Nang makaupo. Agad din naman akong nagtext kina Kana ng malaman nilang naghihintay na ako sa Cafeteria. Gusto yata ng karamihan na dito kumain. Dahil sa dami ng estudyanteng nandito. Well malaki laki naman kasi ang paaralan na to.

Hindi na muna ako oorder. At nilibang ang sarili sa paligid. Patingin tingin ako sa kabuuan ng Cafeteria. Hanggang sa na agaw ang pansin ko sa isang grupo na napalakas ang tawa kakapasok lamang ng Cafeteria. Dagdagan pa ng tilian ng mga kababaihan.

Hindi naman ako si tanga kung ganoon ang mga babae. Well they are good looking at lahat sila mga lalaki. Parang F4 lang ang peg ng pagpasok at pagtili ng kababaihan sa kanila.

Well apat na lalaki ang sinusundan ko ngayon ng tingin.

" Walang cute sa barangay namin pag di ako lumabas." Saad nung isang lalaki na sa gitna. At I'm hypocrite if I will say that he's not handsome. For f@cking safe. Siya yata ang pinakagwapo sa kanilang apat. Kaya lang overconfidence ang peg nito.

" Abat!? Iisang subdivision at hindi barangay. At paano na lang kami. Let me rephrase what you said bro. Walang cute sa subdivision namin pag di tayo lumabas." Kontra naman ng isa.

" Oo nga noh. Appear tayo Millo." Saad pa nito at itinaas talaga nito ang kamay. Kaya lang bumusangot naman yung isa na kumontra sa kanya. Habang ang dalawa pa. Ayon natatawa.

Hindi ko alam kung sensitive ba yung tenga ko at naririnig ko sila sa malayo o talagang sadyang malakas ang pag-uusap nila na hindi halata na sa kanila na ang atensyon ng lahat.

Pero ano daw? Millo?

Bakit ganoon na lamang ang ipinangalan sa kanya.

" Tsk. Its not Millo, I'm Nillo okay." Nakabusangot naman saad pa ng kaibigan nito.

Kaya pala. Minurder ba naman ang pangalan nito.

" Okay Millo." Tango tango naman ani ng lalaki at naunang naglakad at iniwan ang mga kasama nito which his friend.

" Millo--este Nillo nga." Pahabol naman ng kaibigan nito. Papadyak pa ito na parang naiinis.

College na ba talaga ang mga iyan o High School student ang drama nila!?

Ang iba naman nilang kaibigan. Ayon tawa ng tawa.

Hindi ko inaasahan sa daming bakanteng mesa sa katabi ko pa talaga sila. Kaya rinig na rinig ko Ang harutan nila.

Secreto OscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon