🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁Adeline/Amer's POV
" Hi! Mukhang mag-isa ka lang yata."
Napunta ang atensyon ko sa taong sumulpot bigla bigla sa harap ko with his friends.
Yes. Lalaki siya at ang mga kaibigan niya yata ang kasama.
Nagtatakang napatingin ako dito. Ano naman ang gusto ng mga to? Nakikita naman nilang nagbabasa ako at mag-isa nga lang incase na may nakikita sila na di ko nakikita.
" Halata naman diba?" Ayaw ko sanang magsayang ng laway. Kaya lang mas maganda kong umalis na talaga sila sa harap ko. Naabala nila ang pagbabasa ko.
Parang pamilyar ang hilatsa ng mga mukha ng mga to. Ang hindi ko matandaan kong saan ko sila nakita.
Nagulat yata ang mga to sa sinabi ko.
Big deal na ba yun?Sa pagkakaalam ko wala naman sa school policy ang bawal sumagot-sagot sa kapwa estudyante. Eh kung officer naman to ng school?
Hindi naman nababagay ang lalaki iyon sa mga ganoon with his attitude, wala talagang tatagal na mga mga kasama nito. Sorry kung judgemental ako.
Pero opinyon ko lamang iyon. Hindi niyo naman ako masisisi. Dahil panget ang una naming pagtatagpo.
Kung nagtataka kayo?
Natigilan ako ng makilanlan ang nasa harap mo.
Bigla yatang kumulo ang dugo ko. Why? Bigla ko silang naalala. Lalo na ang lalaking nasa gitna. Kaya pala mainit ang dugo ko rito.
Siya yung antipatikong bastos na lalaki. Remember? Yung nagmamadali ako para puntahan sila Kana at ang iba. Alam kong may kasalanan ako sa pagbangga pero may kasalanan din siya.
Imbis na magsorry o tulungan man lang ang katulad ko na isa pang babae.
Anong napala ko?
Namura pa ako. Tsk.
" Hey calm down Miss. Nagtatanong lang naman." Saad pa nito.
Nagtatanong my ass.
" Tsk. Naabala niyo ang pagbabasa ko? Sinong hindi maiinis. Eh kung ikaw na nasamid at kailangan ng tubig. Pupunta ka ng kusina para uminom ng tubig ng may taong sumulpot at nakipag-usap pa sayo. Ano kayang mararamdaman mo?" Sikmat ko naman.
" Ang taray mo naman Miss." Saad ng isa sa kanila. At napa iling iling pa.
Mas lalong tinaasan ko ito ng kilay. Pake niya ba? Eh sarili ko naman to.
" Okay na yung kaysa plastic at pabebe lang ang alam. Tsk." Sabi ko din naman.
" Hindi mo ba kilala kami Miss o natatandaan lang naman?" Saad pa ng lalaki na sa gitna.
" No." Agap ko naman sabi. Hindi ko na din ginawa pang sumulyap sa kanila. Nakatuon pa din ako sa binabasa ko.
Sinabi ko lang na hindi. Nang tigilan na nila ako. Tsk.
" Para ka namang introvert." Hindi maiwasang saad ng isa pa sa kanila. Nagkibit balikat lamang ako.
So?

BINABASA MO ANG
Secreto Oscuro
RomanceSecreto Oscuro A Spanish word " Dark Secret " According to the Google. Dark Secret is a piece of information that is extremely private and confidential, usually implied to be embarrassing, incriminating, or shameful. What could it be? ...