🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Adeline/Amer's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang isang linggo ko na napapanatili dito. Malapit na maging Isang buwan.

Bukas na din ang pasukan. Ewan samut-sari ang reaksyon ko. Merong excited, kinakabahan, nahihiya at nag-alala.

Napapa isip akong nakatulala sa kisame. Nasa kwarto na ako ngayon. Dahil first day ko bukas. Maaga akong pinatulog ni Nay Alena. Sa kinikilos niya parang siya pa yung excited sa aming dalawa.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Si Nay Alena ang lahat na gumawa. Yung pagliligpit ng gamit na dadalhin ko sa School. Siya din yung namili ng susuotin ko sa first day ko. Hindi naman kasi paawat kaya hinayaan ko na lang. Alam kong masaya siya sa ginagawa niya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip. Hanggang sa naramdaman kong may mahinang tumatapik ng balikat ko. Minulat ko naman ang mata ko at agad na nabungaran ang nakangiting Nay Alena.

" Good morning Iha. It's 6:15 in the morning. Gumising ka na. It's your first day of school." Excited naman turan nito na ikinangiti ko na lamang.

" Good morning din Nay Alena." Bati ko at humalik sa pisngi nito.

Nang magawa kong makausap ang mga anak nito. I already told them that their parents missed them. Ipinaalam ko din na Nay Alena ang tawag ko at Tay Arnando naman sa kanilang Ama. Ayokong magtampo sila o makaramdam ng selos. Hindi naman sa ano. Pero ayokong may sumusulsol sa kanila na ibang tao. Na inaagawan ko sila ng atensyon at pagmamahal. Pati yung naiisip kong iyon. Ibinahagi ko sa kanila ng wala akong naitatago. Parte na din sila ng pamilya ko.

Dahil tinanggap nila ako kahit na ngayon lamang kami nagkakilala. Kaya bilang pambawi. Ayokong may inilihim sa kanila.

Tumayo na ako sa higaan. Iniligpit naman ni Nay Alena ang higaan ko. Imbis na pigilan. Tinulungan ko na lamang.

" Maligo ka na Nak. Hintayin kita dito." Nay Alena.

Hindi ko alam kung may pupuntahan si Nay Alena at naka postura na. I mean nakaligo na ito at nakabihis na talaga.

Wala naman akong nagawa kundi ang maligo. 30 minutes din ang ginugol ko sa paligo.

Nakatapis akong lumabas ng Comfort Room. Nadatnan ko si Nay Alena na naka upo sa kama ko. Habang ang susuotin ko naka handa na at nakalapag sa kama.

Dahil first day of school at transferee pa ako. Allowed akong magsuot ng civilian. Meron naman akong uniform. Alam niyo naman excited si Nay Alena at Tay Arnando. Mabuti na lamang at napapayag ko sila na hindi muna ako mag-uuniform.

Kung nagtataka ako dahil agad akong natanggap for incoming 3rd year. Kumuha ako ng entrance exam at hindi naman sa pagmamayabang pero mataas ang marka ko. Ewan ko kung paano ko nagawa iyon.

Sinuot ko na muna ang damit na hinanda ni Nay Alena. Tapos pinaupo naman ako ni Nay Alena sa harapan ng malaking salamin. At pinunasan ang buhok ko na Basa.

" Ako ng bahala sa ayos mo Nak." Excited na saad pa nito. Napatingin kami sa taong kumatok ng pinto.

" Come in." Sigaw ni Nay Alena. Agad na bumukas ang pinto at iniluwa si Tay Arnando.

Secreto OscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon