🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁Ade/Amer's POV
Mabilis lumipas ang mga araw. Matagal tagal na din ako dito sa Isla Tagipusuon.
Yeah. Iyon ang tawag sa Isla na ito.
Why tagipusuon?
Tinanong ko si Nay Alena about dun. At nalaman kong mga matatanda daw ang gumawa ng tawag dun. Dahil parang heart shape daw ang Isla. Nanay Alena respected their ancestors kaya talagang pinandigan nila at ng iba pa na iyon ang itawag.
Ang ganda din pala ng history ng islang to.
Another Monday for us. Ilang linggo na din nagsimula ang totohanang klase. Hindi ko nga inaasahan na sa mga minor subject ko pa magiging ka klase ang apat.
Sino pa nga ba? Eh sikat na apat na kalalakihan.
Napasama ang mukha ko ng marinig ang sunod sunod na tilian ng ka klase ko. Hindi ko nga alam kung anong dahilan ng pag-iingay nila. Kakarating lamang prof. Isa sa minor subject ko ito.
Nalaman ko lamang ang dahilan ng makitang pumasok ang apat na kalalakihan. At halata naman sa tili ng mga babae. Yes. Sila yung apat na lalaki na alam kong sikat dahil sa estado at mukha.
Hindi ko na lamang binigyan pansin iyon at ipinokus ang tingin ko sa binabasa. Hihintayin ko na lamang na matapos ang mga ka klase ko sa tilian time nila. Yung Prof namin hirap naman na mapatahimik ang mga ka klase ko.
Gustong bigyan ng simpatya ang Prof. Kawawa ito kakasaway sa mga ka klase ko na kanina pa maingay. Halos karamihan mga babae pa.
Napasulyap mo na ako kay Prof bago bawiin ang paningin ko. Kaya lang hindi ko na naituloy ang pagbawi agad dahil. Naagaw ng isa sa kanila ang mata ko.
Nagulat pa ako ng matantong nakatingin din to sa akin.
Hindi ko naman maiwasang mapa isip kung kanina pa ako nito tinitignan. Ang assumera ko naman kung ganoon. Agad ko naman binawi at bumalik Ang atensyon ko sa aklat na hawak ko.
Kapag talaga siya ang nakakatagpo tingin ko. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman.
Kahit na wala ang pokus ko sa apat. Naririnig ko naman ang nangyayari. Hindi na nagpakilala ang apat. Dahil alam kong kilala naman sila ng karamihan. At isa pa ako lang yung transferee. Nagawa namang ipakilala sa akin ni Kana ang apat kaya wala ng problema sa akin.
Hindi ko inaasahan na sa likuran ko sila uupo.
Napatingin ako sa paligid. Muntik pa akong mapahampas ng noo.
Yung likuran ko lang naman ang may bakanteng upuan kaya no choice sila. Assumera ka talaga Ade.
Rinig na rinig ko naman ang bulong-bulungan na maswerte daw ako dahil katabi ko sila.
Tsk. Kung pwede nga lang magpapalit ng upuan. Gagawin ko talaga. Pero baka mas lalong iinit ang mata ng Fans Club ng grupo sa akin. At lalong madadagdagan ang magagalit sa akin.
BINABASA MO ANG
Secreto Oscuro
RomanceSecreto Oscuro A Spanish word " Dark Secret " According to the Google. Dark Secret is a piece of information that is extremely private and confidential, usually implied to be embarrassing, incriminating, or shameful. What could it be? ...