🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁Ade/Amer's POV
" Handa ka na ba iha?" Tanong ni Ma'am Alena.
" Opo." Sagot ko naman.
" Mag-ingat kayong dalawa. At mag-enjoy kayo sa pamamasyal." Bilin naman ni Sir Arnando. Hindi pa ito umalis. Talagang hinintay pa kami.
It's already 8 in the morning.
" Noted Hon. At huwag lang mag-alala. Hindi ko hahayaan na hindi makita ng dalaga natin ang tinatagong ganda ng islang to." Ani ni Ma'am Alena. Hindi ko maiwasang mamula. Dahil sa tinawag ba naman akong dalaga nila.
Ang sarap sa pakiramdam. Mabuti na lang din at nawala din.
Talagang pinaghandaan ni Ma'am Alena ang araw na pamamasyal namin. May ibinigay itong bagong biling damit. Ayaw ko sanang tanggapin pero nagpupumilit si Maam Alena. Tapos may dala pang pang-guguilty kaya ayon sumuko ako at tinanggap iyon.
Alam naman nilang wala akong mahihirap kapag sila na ang pag-usapan.
" Mabuti kung ganoon. Pero bantayan mo ng mabuti ang dalagang to. Baka masalisihan tayo ng lalaki ha. Ilang linggo pa lang yang batang iyan sa atin." Sir Arnando.
Lalong namula ako sa sinabi ni Sir Arnando.
" Anong sabi mo!? Subukan lang nila. Hindi ako magkikiming paghahampasin kapag nangyari iyon." Turan naman ni Ma'am Alena. Na para bang wala ako sa harap nilang dalawa.
" Sa ganda ba naman ng dalaga nating to. Walang magkikiming hindi papansin to. Baka magulat na lang tayo at sa mga susunod na araw may aakyat na ng ligaw." Anas pa ni Sir Arnando.
Ano daw?
Aakyat ng ligaw? Hindi ko naman sila kayang e-entertain. Dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang mga alala ko. Ang dati kong buhay na hanggang ngayon wala akong naalala.
" Naku Sir hindi naman siguro." Hindi ko maiwasang magsalita.
Napatingin ito ng masama sa akin. Kaya hindi ko maiwasang mapalunok. Masama yatang makisawsaw sa usapan ng matatanda. Ikaw kasi yang bibig mo ayaw paawat.
" Anong Sir? Ilang beses ko na bang sinabi na tawagin mo na lamang akong Dad o Tatay. Si Alena naman Mom o Nanay. Yun lamang ang iyon pagpipilian Iha. Dala-dala mo yung apelyido namin. Kaya isa lang ang ibig sabihin nun. Pinapayagan ka naming tawagin kami sa ganoon." Paliwanag naman ni Sir Arnando.
" Pasensya ka na iha kung pinipilit ka na tawagin kaming Dad and Mom." Ani naman ni Ma'am Alena.
Ito na naman. Nakakaramdam ako ng guilty.
Lahat naman yata binibigay nila sa akin ng mag-asawa. Kahit na hindi ako kilala. Handa nilang ibigay ang apelyido. Kahit na tawagin silang Mom and Dad. Okay lang sa kanila.
" Hindi po. Tatawagin ko na lang po kayo na Nanay at Tatay. Kung okay lang po sa inyo." Bulalas ko.
Napangiti ang dalawa.
" Naku okay na okay sa amin iyon Iha." Biglang nagliwanag ang mukha ng mag-asawa.
" Salamat iha." Tay Arnando.

BINABASA MO ANG
Secreto Oscuro
RomanceSecreto Oscuro A Spanish word " Dark Secret " According to the Google. Dark Secret is a piece of information that is extremely private and confidential, usually implied to be embarrassing, incriminating, or shameful. What could it be? ...