🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁Nasaan ako?
Yan ang unang tanong ko ng magawang tignan ang nasa paligid ko.
Nasa isang kwarto yata ako. A simple one but an elegant.
Napatingin naman ako sa kamay ko na may dextrose.
Anong bang nangyari?
I tried to remember anything. Pero wala akong makapa na alala.
What the hell?
Bakit ganoon? Ano bang nangyari?
Sumasakit lamang ang ulo ko kapag sinusubukan alalahanin ang lahat. Napahawak na lamang ako ng ulo ko. At naguguluhan. Ngayon ko lang din napansin na balot pala ng bandage ang ulo ko.
Sinubukan ko ding alalahanin kung paano ko nakuha iyon. Pero wala akong ideya.
Nakarinig ako ng ingay. Agad kong sinundan iyon. At nakita ang pinto na nakabukas at may pumasok.
" You're awake." Rinig kong sabi nito.
Naabutan nito ang mukha kong naguguluhan. Kaya agad itong lumapit sa akin.
" Are you okay Iha? Masakit ba ang ulo mo? Tatawagan ko muna ang tumingin sayo. " Pagbibigay alam nito.
Tumango lamang. Tahimik naman akong nakatingin dito.
Lalaki ang kaharap ko ngayon.
Nang marinig kong Iha ang tawag nito sa akin. Alam kong matanda siya sa akin. Hindi mo naman kasi mapapansin dahil sa mukha ng kaharap ko.
Para lang siyang binata. Hindi rin kasi pansin ang mga balat nito na meron na ding kulubot. Kung pagtutuunan mo ng pansin doon mo lang mahahalata.
Ilang taon na kaya ito?
Nasa 20's ba? 30's?
O 40's?
Nakita ko ang paglapit nito sa akin. Tapos na niyang tawagan ang kinakailangan na kausapin nito.
Umupo ito sa tabi ko.
" Alam kong marami kang tanong Iha. Halata sa mukha mo na naguguluhan ka. Pero huwag mo sanang pilitin ang sarili mo kung hindi pa kaya. I will give you answers if your okay. But for now you need to rest." Sabi nito.
Tama naman siya. Imbis na pilitin ko ang sarili. Halata naman kasing nanghihina pa ako.
" Thank you. Magpapahinga po ako. Pero pwede po bang magtanong?" Saad ko naman. Napatingin ito sa akin.
" Okay. Ano ba iyon Iha?" Tanong naman nito sa akin.
" Ilang taon na po kayo? Naguguluhan po kasi kung anong itatawag ko sa inyo. Baka po matawag ko kayong Manong eh binata pa pala kayo. O di kaya lolo pero parang di naman kayo mukhang lolo." Sabi ko naman.
Napatigil ako ng marinig ang malutong na tawa nito.
" Nakakatuwa naman Iha. Talaga bang hindi ako mukhang Lolo? Hahaha. Well I need to disappoint you dahil malapit na akong maging senior. In short lolo. 59 years old na ako Iha." Natutuwang saad nito.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ano daw?
" Hindi nga po?" Hindi makapaniwalang saad ko na lalong ikinatawa nito.
Hindi nawala ang ngiti nito.
" Oo Iha. Hindi man halata but I'm already 59." Saad nito.
" Osya magpahinga ka na muna. Nagawa ko mang sagutin ang tanong mo. Mag-usap na lang tayo pag okay ka na." Dagdag pa nito.

BINABASA MO ANG
Secreto Oscuro
RomantizmSecreto Oscuro A Spanish word " Dark Secret " According to the Google. Dark Secret is a piece of information that is extremely private and confidential, usually implied to be embarrassing, incriminating, or shameful. What could it be? ...