Chapter 19: Under the rain

7.2K 124 30
                                    

8:02 am

VERONICA woke up and felt like someone was staring at her and when she turned around to look, she saw Terrence leaning on the wall while looking at her but he immediately look away.

"Kumain ka na." Simpleng sambit niya bago lumabas ng kwarto.

Agad siyang umupo at inalala ang panaginip niya. Yun ang araw na nasunog ang bahay ampunan na tinutuluyan niya.

She was trapped in a room at di na makalabas dahil sa apoy na humaharang sa dinadaanan niya pero sigurado siyang may nahagip ang mga mata niyang dalaga na ka edad niya noon na nakatingin lang sa kanya na tela walang balak na tulungan siya at mabilis na umalis din.

What she tried to remember was the young girl. She was so sure that she had seen or perhaps known that girl in the orphanage but she couldn't remember her face or recall her name. Veronica tilted her head. Why would she dream of that day again?

Tumayo na siya bago lumabas at nadatnan niya pa si Aling Dina na naghahanda ng pagkain.

"Hija gising ka na pala. Kanina ka pa hinintay ng asawa mo. Hindi pa siya kumakain kasi gusto niyang sumabay sayo."

Napatawa ng pagak si Veronica at napatingin kay Terrence na nakaupo na sa mesa.

"Talaga?" She asked, trying her best not to sound sarcastic.

"Kumain ka na lang." Sambit ni Terrence nang hindi tumitingin sa kanya.

Napabuga ng hangin si Veronica bago niya saluhan sa pagkain ang asawa.

"Nag away ba kayong mag asawa?" Tanong ni Mang Bernard nang dumating ito mula sa labas at napansin niyang hindi nagkikibuan sina Terrence at Veronica.

Tumawa si Mang Bernard bago nagpatuloy. "Alam niyo normal lang yung nag aaway yung mag asawa pero hindi yan dapat pinapatagal para hindi lumaki. Yan ang nagpapatatag ng pagsasama ng mag asawa."

Tumingin si Mang Bernard kay Terrence at nagpatuloy. "Terrence hijo, alam mo yang mga babae napaka sumpungin at kapag sinusumpong lahat ng bagay nilalagyan ng isyu. Naghahanap sila ng mapaglalabasan ng inis kaya yung maliit na away pinapalaki pero madali mo lang naman silang paamuhin. Ang sekreto? Wag mong sundin ang sinasabi nila, dahil lahat ng sinasabi nila kabaliktaran ng gusto nila. Simple lang. Halimbawa pag sinasabi ni misis na gusto niyang mapag isa, wag mo sundin. Lambingin mo, wag mo iiwan. Bigyan mo ng mga gusto nila, bulaklak ba o pagkain. Kulitin mo lang ng kulitin hanggang sa bumigay. Pag sinasabing ayaw niyang makipag date, ibig sabihin gusto nila at nagpapakipot lang. Kapag sinabing ayaw ka niyang makita, edi e lock mo sa kwarto at doon kayo mag away o mas mabuting mag laro buong hapon."

Napaubo naman si Veronica na ikinatawa lang ni Mang Bernard.

"Ano ba yang tinuturo mo sa mga bisita natin Bernard. Ang daldal mo talaga kita mong kumakain pa sila ohh. Nagmamarunong ka pa rin kay tanda mo na." Reklamo ng asawa niya at lumapit pa ito para hilahin ang tenga.

"Aray langga biro nga lang yun. Ito naman, bitaw na sa tenga."

Ngumiti lang si Aling Dina kay Terrence at Veronica. "Sige lang kumain lang kayo. Aalisin ko lang tong madaldal na to sa harap niyo ha."

Napangiti lang si Veronica at Terrence at napatigil nang napatingin sila sa isa't isa pero agad din nilang iniwas ang tingin.

"Aalis muna ako pagkatapos. sandali lang ako. Hintayin mo lang ako dito then we can leave in the afternoon."

Tumango lang si Veronica sa sinabi ni Terrence at di na sumagot.

Nang matapos silang kumain agad
pinuntahan ni Terrence ang pakay niya yun ay personal na e check yung maliit hospital na pinapatayo para sa lugar.

Taming my Bitchy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon