CHAPTER 14
Sandara's POV
"Hi, Madame." Napatingin ako kay Angel Savior na nakayuko na ngayon.
OMG! Nagdadasal ba siya? Hindi naman Buddha si nanay ah? Huhu, nalolosyang na talaga tong si Angel Savior.
"So, boyfriend mo nga?" Taas kilay na tanong ni unggoy sa akin.
Tinaasan ko din siya ng kilay. "Sino ba?"
"Ampot—"
"Yes, I-i mean no." Nahihiyang sabi ni Angel Savior.
Kailan pa to nahiya? Huhu, OMG! Kailangan kong malaman kung bakit siya nahiya! Para gamatin ko palagi, hehe, tapos wahh basta, ang cute niya maging mahiyain, once a year lang ata siya nagiging ganon, hay nako ewan.
"Ano ba talaga?" Galit na tanong ni unggoy.
Huwag mong sabing...
OMG, IN LOVE DIN SIYA KAY ANGEL SAVIOR?!
Aba-aba! Sumosobra na siya! Ang landi niya ah? Grabe naman huhu, lahat ata gustong agawin sa akin eh, nung una si kuya Jester, tapos ngayon si Angel Savior naman? Tapos sino susunod? Si kuya Erick? Tapos sina Elmint, Diego, at Zack? No, no! Masyado na siyang ahas! I-re-real talk ko talaga tong si Christian—este Christel! Tch, tch.
"Hindi mo muna ba kami papapasukin unggoy ka?" Inis na tanong ko kaya napabaling ang mga mata niya sa akin, pero kunot-noo parin siya, halatang inis.
Oh? Huhu, ba't sakin siya nagagalit? Huhu, dahil ba pinigilan ko yung bonding time nila Angel Savior? Huhu, ang sama! Mamaya talaga, bibigyan ko sila ng solo time, ang demanding naman kasi! Baka mamaya bigla niya akong sabunutan dito tapos matanggal yung buhok ko huhu, ayaw ko talaga non wahh! Ayaw ko ngang maging kalbo forever.
"Ay, pasensya na anak, sige, pasok kayo hijo. Tuloy ka, huwag mahihiya." Sabi ni nanay kaya napatingin ako sa kanya.
Ba't parang bumait? Huhu, ang daya! Nagiging mabait lang siya pag may bisita tapos dragon naman pag kami-kami lang huhu.
Naalala ko nga dati nung natalsikan ako ng laway ni nanay habang nagse-sermon siya, grabe kamo ang baho tapos ang init, parang apoy ng dragon huhu, kaya aware na ako pag beast mode si mader, lalayo ako kasi baka matalsikan ako ng laway, masunog pa balat ko.
Napatingin ako kay Angel Savior nung kalikutin niya yung kamay kong nakahawak sa kamay niya habang naglalakad papasok ng bahay namin.
Hinuhulaan ba ako nento ni Angel Savior? Huhu, tinitignan niya ba kung ilan magiging anak ko in future? Kung anong magiging kapalaran ko?
"Nahulaan mo na ba Angel Savior? Hehe."
"What?"
"Di ba nga kinukulikot mo yung kamay ko kasi hinuhulaan mo kung anong magiging kapalaran ko tapos kung ilan magiging anak ko in future?"
Kumunot naman yung noo ko nang mahinang tumawa si Angel Savior at tumingin sa akin.
"Uhm, yah, nahulaan ko na." Nakangiting sabi niya.
"Hehe, ano daw?"
Ngumiti naman siya ulit bago nilapit ang bibig niya sa tainga ko at bumulong, "I saw that I'm your future, and I'm the father of our 3 kids."
BINABASA MO ANG
My Angel Savior Is A Gangster || revising
Teen FictionSteve Mandevalle My Angel Savior Is A Gangster By zamy_anny Start: July 16, 2020/ 3:15 End: Feb. 2, 2021/ 7:40