CHAPTER 17
Sandara's POV
"ANGEL SAVIOR!"
Mabilis akong napabangon nang mapanaginipan ko si Angel Savior.
Huhu. Nakakatakot naman ng panaginip ko! Wahh, maganda sana kasi nasa games kami kaso namatay si Angel Savior dun kaya pangit na.
Nakakainis talaga! Sarap sakalin nung kalaban!
Umayos ako ng upo at napahawak sa ulo ko nang makaramdam ng kirot. Huhu, ito na naman yung sakit ng ulo ko huhu. This weeks talaga palagi ko na akong nakakaramdam ng ganto. Baka dahil sa init. Huwaa! Maglalagay na ako ng yelo sa ulo next time para hindi na ako mainitan huhu.
Nilibot ko yung tingin ko sa buong paligid ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko nang makitang pure white ang kwarto ko.
Huwaa! Huwag mong sabihing pinalitan ni mama yung kulay ng kwarto ko? Huhu, mas gusto ko yung rainbow colors. Nakakainis naman si mama! Minsan talaga pag may trip siya hindi na siya nagpapaalam. Huhu.
"Nasa hospital ka, tanga."
Tanga?
Alam ko na kung sino tong nagsalita sa likod ko.
Yung kaluluwa ni Lin!
OMG, kailan pa siya naging mumu? Huhu, hindi ko naman nabalitaang sumakabilang buhay na siya ah? Bakit hindi ako naka-attend sa libing niya?
Naiiyak ako mama! Ba't niya ba ako binisita dito? Huhu. Alam naman niyang takot ako sa mumu eh, dumalaw pa siya. Baka mamaya kasama niya pa si Sadaku tapos dumalaw siya dito kasi gusto na din niya akong mamatay. Para may friends siya sa langit. Huwaa! Anong gagawin ko? Huhu.
Pero teka...
Nasa hospital daw ako?
Kailan ako napunta sa hospital? Natatanga na ba tong si Lin? Huhu, namatay lang siya naging tanga na? Siya kaya sabihan ko ngayon ng tanga no? Kaso ayaw kong kumausap ng multo! Baka mapagkamalan akong baliw hehe.
"Hoy, kinakausap kita Ars," mataray na sabi ni Lin bago ako kinalabit.
OMG! Ba't siya ganyan huhu. Kailan pa ako nahahawakan ng multo? Huwaa! Huwag kang titingin sa likod self kung ayaw mong mamatay. Huhu, baka nasa baba sina mama huhu.
"Tanga ka talaga, sa'n ka pupunta? Hindi ako multo."
Hindi siya multo?
Eh ano siya? Rebulto? Buddha? Naging Buddha na siya? Tapos susunduin niya ako dito sa bahay kasi gusto niya akong maging utusan? No way!
Humarap ako kay Lin pero nakapikit ang mga mata, hehe para safe. "Kailan ka pa naging Buddha Li—ahh! Ang sakit, tulong!"
"Ars ayos ka lang? Ars! Tumingin ka sa akin. Ayos ka lang?" Lumapit si Lin sa akin bago ako hinawakan sa dalawang balikat.
Huhu, ba't sobrang sakit ng ulo ko? Mama naman! Ito na ba yung side effect ng pagbatok sa akin ni Lin?
"Mukha ba akong maayos Lin? Huhu."
Umiling nalang siya bago ako tinulungang makatayo at iupo ulit sa kama.
Tinignan ko si Lin at napa 'O' nang makitang parang buhay siya, kasi hindi naman siya nakawhite eh. Naka yellow crop top at black skirt pa nga siya tapos naka thin make-up.
BINABASA MO ANG
My Angel Savior Is A Gangster || revising
Teen FictionSteve Mandevalle My Angel Savior Is A Gangster By zamy_anny Start: July 16, 2020/ 3:15 End: Feb. 2, 2021/ 7:40