CHAPTER 24
Sandara's POV
"N-no... A-ars, magpapaliwanag k-kam—"
Natigil ang sasabihin ni Lin nang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Hala, OMG! Ma-l-late na kami!
"Mamaya na kayo magpaliwanag ah? Tara na! Ma-l-late na tayo!" sigaw ko bago hinawakan ang kamay nilang dalawa.
Hayaan ko na muna tong hindi pagkakaintindihan. Malay mo yung linag-uusapan nilang papatayin ay yung isip at daga nila sa bahay tapos yun yung utos ng nanay nila di ba? Hay nako! Think positive! Mababait naman silang kaibigan eh, kaya alam kong hindi sila bad katulad ni Daisy at yung mga gustong pumatay kay Angel Savior.
"B-but... we need to tell—"
"Shh! Ate Sam, ma-l-late na tayo. Mamaya na chika hihi. Saka nakuha ko na yung ticket natin para bukas kaya makaka-attend na tayo—"
"No!" Napaharap ako kina Lin at Ate Sam nang sabay silang sumigaw.
Nakita ko silang tumingin sa paligid kaya kumunot ang noo ko. "Huh? Anong 'no'?" tanong ko.
"We're trying to—"
"Oras na ng klase, bakit nandito pa kayo sa labas?" Napaharap kaming lahat sa may katandaang boses.
Nanlaki ang mga mata namin nang makitang si Dean Virgin pala yun! Yumuko kami bilang paggalang.
"P-pasensya na po," kinakabahang sabi ni Lin.
Tumango lang ito at nilagpasan na kami. Pag-alis ni Dean Virgin ay nakahinga kami ng maluwang at tumakbo na sa room.
Simula no'n, hindi na ako masyadong kinakausap nina Lin at Ate Sam. Ewan ko kung bakit huhu. Tapos pag nagtatanong ako, tatango lang sila o iiling. Hindi talaga nila ako kinakausap kaya malungkot akong umiwi sa bahay.
Kinuha lang nila yung ticket sa akin bago binigay yung pagkaing binili nila nung umalis sila sa pila para bumili ng pagkain, tapos ayun na, dun na nag-start na hindi nila ako kinakausap. Ewan ko ba sa kanila huhu, itutulog ko nalang siguro to mamaya. Malay mo bukas sa event eh kausapin na nila ako.
Kumatok na ako sa pinto ng bahay. Walang sumagot kaya binuksan ko na ito. Bumungad sa akin sina Nanay at Tatay na nanonood ng TV kaya bumuntong hininga nalang ako at umakyat sa taas. Huhu, mukhang galit pa rin sila. Kailan kaya kami magbabati nila nanay no?
Hala! Si Carol nga pala! Naiwan ko sa school. Paano na? Huhu, sa sobrang lalim ng iniisip ko, nakalimutan ko nang kasama ko pala siya sa loob ng school. Pero kaya naman na sigurong umuwi no? Kasi nakita na naman niya yung daan kanina hehe.
Pagkatapos kong ilapag ang gamit ko ay nagsimula na akong magpalit ng pangbahay bago bumaba. Nang makitang hindi pa rin ako pinansin nila Nanay ay pumunta na akong kusina bago kumuha ng pagkain doon. Awts, itlog lang saka hotdog? Huhu naman!
"Nay..." halos bulong na sabi ko.
Tumaas ang kilay ni Nanay pero hindi pa din siya lumilingon, siguro dahil doon sa pinapanood niya.
"Aakyat na po ako," sabi ko.
Umiling lang si nanay kaya napabuntong hininga nalang ako ulit pagkatapos ay umakyat na sa taas dala ang pagkain at tubig.
Huhu, ang boring pala dito sa bahay pag hindi nagbubunganga si Nanay. Pag wala si unggoy at wala ang kuya naming spokening dollar. Tapos wala ang Carol na maarte. Haysss.
BINABASA MO ANG
My Angel Savior Is A Gangster || revising
JugendliteraturSteve Mandevalle My Angel Savior Is A Gangster By zamy_anny Start: July 16, 2020/ 3:15 End: Feb. 2, 2021/ 7:40