CHAPTER 30
Steve's POV
It's Saturday morning. Sandara's birthday and our wedding day.
Napagpasyahan kong ngayong birthday nalang ganapin ang kasal para araw din ng kaarawan niya.
Halos isang linggo lang namin pinaghandaan ito kaya hindi gaano ka espesyal. Dito lang din gaganapin ang event sa lugar kung saan gustong-gustong puntahan ni Sandara. Park na puro bulaklak ang paligid.
Nang maayos na ang lahat ay pumwesto na ako sa tabi ng maliit na altar. Habang ang mga bisita ay nakatayo na sa kanya-kanyang pwesto. Bilang lang din ang bisita.Nakita ko pa ang tatlong ugok na sumisinghot habang pinagmamasdan ako. Umiling nalang ako at nilibot pa ang tingin.
Napabaling din ako sa pamilyang Calmaz na ngayon ay naiiyak na din.
Tumingin ako sa dalawang kaibigan ni Sandara na ngayon ay malungkot na umiiyak.
Humarap lang ang lahat sa likuran nila nang marinig namin ang tunog ng maliit na kampana, sinyales na nandiyan na ang kotseng sinasakyan ni Sandara.
Nakita kong pumarada ang Van na alam kong sinasakyan ni Sandara kaya napaayos ako ng tayo.
I wonder how beautiful my woman now that she's wearing a wedding dress.
Napangiti ako nang makita ang itsura niya sa aking isip.
Madami pang umalalay sa kanya para makaupo siya sa wheel chair niya bago nagsimulang igalaw ito.
Nagtama ang paningin namin at mas lalo akong natuwa nang makita ang saya sa mata niya.
Hindi ako makapaniwalang papunta palapit sa akin ang babaeng bubuo sa buhay ko. Hindi ko akalain na ang isang Anghel ay makukulong sa buhay ng isang Gangster na katulad ko.
Iniisip ko ang lahat ng napagsamahan namin sa loob ng tatlong buwan. Puro pasakit, onting kasiyahan, biruan at kung ano-ano pa na sapat na dahilan na para mapamahal sa kanya.
Habang dahan-dahang gumagalaw ang wheel chair na tulak-tulak ng tatay niya papalapit sa akin ay mas lalo akong hindi makapaniwalang kahit sa huling hininga niya ay mapapasakin siya.
Napakaganda niya sa soot niyang simpleng puting dress kahit na halos buto't balat nalang siya sa payat.
Ngiti niya lang ay siya na ang pinakamaganda sa paningin ko.
Hindi man perpekto ang lahat... ayos lang dahil wala naman talagang perpekto sa mundo.
Nanghina ako sa tuwa nang makita siya nang malapitan. Nakikita ko din ang naluluha niyang mata habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
My Angel Savior Is A Gangster || revising
Teen FictionSteve Mandevalle My Angel Savior Is A Gangster By zamy_anny Start: July 16, 2020/ 3:15 End: Feb. 2, 2021/ 7:40