Kendra
Waiting...
Naghihintay ako sa loob ng sasakyan kina Mama at Tito Carlo. Nakita ko si Mama na daladala ang kanyang maleta. Habang si Carlo naman ay inaayos na ang mga gamit namin para makabyahe na kami patungong Maynila.
Lilipat kami doon dahil nakahanap na si Mama ko ng bagong trabaho sa isang kompanya doon. Si Tito Carlo pala ang kaibigan ni Mama. Matagal nang patay si Papa dahil sa aksidente. Miss na miss ko na sya.
"Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Tito Carlo nang pumasok sya sa sasakyan.
"Oo,Carlo. Maraming salamat ha." ani Mama.
Ngumiti si Tito Carlo kay Mama, "Sus. Ayos lang Sanya."
'Di naman ako manhid para hindi mapansin na may gusto si Tito kay Mama. 10 years ago nang patay si Papa kaya naman siguro'y ayos lang na umibig muli si Mama.
10 pm kami simulang bumyahe papuntang Maynila. Binuksan ko ang aking cellphone at tiningnan ang mga messages doon. Galing halos ito sa mga kaklase ko.
"Mamimiss ka namin huhu." -Jane
"Mag ingat ka ha? See you soon!" -Rona
"Kendra, yung libre mo ha? Lagot ka sakin. HAHA!" - Jonathan
Iilan lang iyan sa mga natanggap ko mula sa kanila. Oo. Lilipat na ako ng paaralan ngayong mag gragrade 10 na ako. Nakapag enroll na ako sa Excellence Academy.
Sana nga lang maging excellent din ako.
Pinikit ko nalang ang aking mata at nang makapagpahinga na ako.
"Kenken, gising na nandito na tayo."
Dinilat ko ang mga mata ko at naaninag ang maaliwalas na ngiti ni Mama. Ang ganda nya talaga. Buti nalang namana ko ito. Hehe!
Bumaba ako sa sasakyan at tiningnan kung anong oras na...
4:18 am
Kaya pala ang lamig na. Nilibot ko ang paningin ko sa bago naming titirhan. Sabi ni Mama uupa lang kami ng isang apartment. Medyo malaki ito ay kung titingnan ay may 8 na floors.
Sinalubong kami ng isang matandang babae. May katabaan ito,maputi, maiksi ang buhom at siguro nasa 50's na ito.
"Magandang umaga po." bati ni Mama.
"Magandang umaga rin! Kayo ba si Sanya Agustin?" tanong nya. "Ako pala si Lou. Ang may ari ng apartment na ito." sabay lahad ng kanyang kamay at tinanggap naman ni Mama.
"Opo!" sabay tango ni Mama. "Ito pala si Carlo,kaibigan ko. At si Kendra ang anak ko po."
Medyo natigilan si Aling Lou nang makita nya si Tito Carlo na agad naman bumaling sa akin.
"Aba'y napakaganda naman ng anak mo, Sanya!" sabi ni Aling Lou.
Duh. I know right.
"Halina't dalhin ko na kayo sa kwarto nyo." sabi ni Aling Lou.
Kinuha ko ang aking backpack at iilang mga gamit. Nauna na sina Mama papasok sa building.
Muntik na akong antakihin sa heart nang may nakita akong nakaupo sa hagdan. Lalaki ito. Nakaside view siya. 'Di ko medyo naaninag ang mukha nya pero nakadepina ang kanyang ilong. Oo. Matangos ito. At sheeeet! Ang kanyang jawline ay sobrang perfect!
"Matagal na kitang hinihintay..." ani nito.
Na shock ako kase hinihintay nya ako? Aba, may naghihintay pala sa akin dito? Bakit nya naman ako hinihintay? Psh. Matanong nga.
"Ehem. Ehem. Uhm, Kuya? Bakit mo ako hinihintay?" tanong ko. "Crush mo ba ako?"
Shoot! Wala yon sa plano na sabihin ko yon!
Dahan dahan syang lumingon sa akin.
Confirmed! Kahit 'di ko kita ang kabuuang mukha nya, pero may itsura sya bes!"
Tiningnan nya lang ako sa mata.
"K-Kuya? Tinatanong kita. Bat mo ako hinihintay?" tanong ko ulit.
Itinaas nya ang kanyang kamay papunta sa kanyang tenga at doon itinuro ang...
Airpods?!
So may kausap sya! Amp. Huhu. Napahiya naman ako.
"A-ah hehe sorry, Kuya. Akala ko ako ang kausap mo. Sige. Goodmorning,Kuya!"
Dali dali akong pumasok at sinundan sa hagdan sina Mama.
Amp! Nakakahiya yung ginawa ko!
Binuksan na ni Aling Lou ang pintuan ng magiging kwarto namin. Pagkapasok namin, bumungad ang isang maaliwalas na kwarto. Kulay pastel yellow ang sala na may isang maliit na couch at mesa. Sa unahan ay ang maliit na kusina.
Mas okay na rin to.
Pumunta na ako sa silid at naka ayos na ang higaan nito. Bukas ko na to aayusin. May dalawang araw pa naman akong bakante upang makapag ayos na dito sa bagong bahay namin.
YOU ARE READING
Waiting For Kendra
RomanceJason Xiel Ponce, an aspiring Chemist is a serious and intimidating man who also lacks patience. Kendra Ann Guevarra,future accountant,is a hard-headed, independent but a soft-hearted girl. When their paths crossed, Kendra notices that she's becomin...