Kendra
Sinabi sa akin ni Pat na sobrang nag aalala daw si Jason sa pagkawala ko kanina. Bakit naman kase siya sobrang nag alala. Hays. Nang nag ala una na, ay nagpalit na ako ng damit kase pupnta daw kami sa farm nina Kevin. Nag shorts ako at t-shirt, nagpasya nalang ako na mag tsinelas dahil maputik daw doon.
Gaya kanina, sa kotse ako ni Jason sumakay. "Jason?" habang binubuhay niya ang makina ng sasakyan.
"Mmm?"
"Sorry."
Nilingon niya ako. "For what?"
Nagpout ako. "Kanina. Pinagpa-alala kita. Hehe. Peace!" At nag peace sign ako.
"Tsk. Sa sususnod, magpaalam ka. Mapapatay ako ni Tita eh!"
Alam kong binilin ako ni Mama kay Jason. Si Mama talaga! Kaya ko naman ang sarili ko.
"Yes,sir!"
Halos 30 minutes ang tinagal bago kami makarating sa farm nila Kevin.
Syempre, may mga hayop dito. Tumuloy muna kami sa bahay ng lola ni Kevin at Mixy. Sobrang jolly nila kausap. Kay Lola Delilah siguro nagmana si Mixy. Pagkatapos ay lumabas kami. Nagtungo sina Marco at Jason sa kwadra ng mga kabayo. Nalaman ko kase na magaling sumakay sa kabayo silang dalawa. Habang si Kevin at Pat ay pinapakain ang mga manok. Si Mixy naman puro pictures at upload sa social media.
"Sa pond tayo?" yaya sa akin ni Javier.
"Sige." Mas okay nalang siguro kung tutulong ako sa pagpapakain sa mga isda.
Binigyan ako ni Javier ng mga maliliit na circles na siguro ay ipapakain sa mga isda. Napakalawak ng pond nina Kevin. Nagsiula nang ihulog ni Javier ang fish food. Sumunod naman ako sa kanya.
"Siguro ay mahilig ka sa isda." Sabi ko.
Nakita ko na lumingon siya sa akin. "Woah! Paano mo nalaman?" f
"I just noticed na masaya ang mga mata mo habang pinapakain ang mga isda."
Tumawa siya. "Ang galing mo talaga!" Bigla siyang umupo at sumipol ng isang tono ng kanta.
Biglang may lumapit na malaking tilapia. "Ayana? Meet Kendra, kaibigan ko."
Naningkit ang mga mata ko. "KenKen, si Ayana, pet fish ko."
Tumawa ako. "May pet fish ka?"
"Yup. Pinangalan ko nga siya sa ex ko. Sabi ko sa kanya, ituturing namin itong anak. HAHAHAHA! Pero ayaw niya sa isda." Paliwanag niya.
"Bakit kayo nag break?" tanong ko.
"Secret." Sabi niya. "Pero nag isip isip ako kung papalitan ko 'to ng Pat. Mas cute ang Pat no?"
"Baliw ka talaga."
Pagkatapos naming magpakain ng mga isda ay bumalik na kami kina Mixy. As usual, si Mixy nagkaupo at nagscroscroll sa kanyang cellphone. Tinabihan ko siya at nakitang nakasakay na sa isang kabayo si Pat kasabay si Marco. Sumakay din si Javier sa isang kabayo na itim. Si Kevin naman at Jason ay nakasakay din sa nakasteady na kabayo. Naiingit ako kase gusto ko ring sumakay kaso, natatakot ako mahulog.
"Ang bilis matuto ni Pat no? Tinuruan lang siya ni Marco kanina. Kilig na kilig naman ang gaga."
Pinikit ko naman ang aking mga mata. Dinarama ko ang lumalakbay na hangin. Ang sarap sa feeling na ganito. Walang inaalala. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ginhawa sa buhay ko. In the past few years, puro sakit ang iniinda ko. Rejection sa mga kapamilya namin, pagka depress ni Mama, nabaon kami sa utang at marami pang iba. Mabuti nalang at may mga tao pa ring may magagandang puso ang tinulungan kami.
YOU ARE READING
Waiting For Kendra
RomanceJason Xiel Ponce, an aspiring Chemist is a serious and intimidating man who also lacks patience. Kendra Ann Guevarra,future accountant,is a hard-headed, independent but a soft-hearted girl. When their paths crossed, Kendra notices that she's becomin...