Natapos na ang quiz naming at isa ako sa mga nakakuha ng highest score. Ang saya ko!
Lumapit agad si Patricia sa akin. "Kumusta Mama mo?"
"Okay naman. Makakalabas na siya bukas."
Tumango si Pat at biglang sumulpot si Mixy. "We should visit Tita later!" She said while clapping her hands.
"Oo nga naman. Matutuwa si Mama pag bumisita kayo doon." I said.
"Kendra!" Lumapit sa akin si Caty. "Are you and Jason, together?" Naningkit ang mga mata niya.
"Hindi." Matigas na sabi ko.
"Oh. Why naman pinagtanggol ka niya kanina?" she said in an inarte tone.
"Pake mo ba? Kaibigan ni Jason si Kendra. Malamang he would defend her." Mixy answered her.
"Psh. Buti nalang hindi nga kayo mag on. Kundi makakalbo kita!" Caty said habang nanggigil na lumapit sa akin.
"Caty." Marco's voice stopped Caty sa paglalapit nito sa akin.
"Hi, Marco!" Caty changed into a puppy. Akalain mo biglang naging maamo.
"Let's eat?" Marco said at lumabas na. Hindi man lang pinansin si Caty. We followed Marco at iniwan ang kontrabidang Caty na 'yon.
So what if I would like Jason? He's just an ideal man. Complete package pa!
Oh! Why am I thinking like this? Erase! Erase! Erase!
Papunta na kami sa canteen. We have a vacant time for 2 hours. I must use that for studying since may quiz din kami mamaya.
Nang makarating kami sa canteen, I saw Javier sitting beside Jason. Wala si Kevin.
"Hello! Hoy, Jason! Ang galing ng ginawa mo kanina ha? Napanganga mo si Miss!" sigaw ni Mixy na naging dahilan bakit may mga napapatingin sa amin.
Siniko ni Pat si Mixy dahilan para tumikom ang bibig nito.
"Sorry." She turned around and made the sign of peace to the students na mukhang nabulabog sa sigaw ni Mixy.
We sat down. Katabi ko si Pat at Mixy. While nasa harapan ang tatlo.
"Anong ginawa ni Jason, huh?" pag uusisa ni Javier.
Tumaas naman ang kilay ni Marco na tila naguguluhan sa nangyayari. "I thought your class starts at 1 pm. Napaaga ka yata?" He asked Jason.
1 pm? But ang aga niya naman.
"I had to do something."
Javier bit his lower lip and smirked. "You are lying." He whispered to Jason. Pero nalakasan niya ang pagkakasabi nito.
Naririnig ko sila, of course! Di ata to marunong bumulong si Javier.
"You did what, Jasiel?" asked Patricia.
"None of your business." Jason smiled at me.
Kumunot ang noo ko. Psh. Now, I understand. Siguro ay nakita niya lang ako na nagmamadali kaya naawa siya at dahil late ako, mas naawa siya at hinatid ako kahit mamaya pa ang klase niya.
Concerned ba siya sa akin?
Why did he do that?
Konti nalang maiisip ko na gusto ako ni Jason. HAHAHA! Pero it's impossible kaya. He is just a concerned friend.
Nag order na kami ng breakfast. Halos lahat ata di nag breakfast. Pinag usapan naming ang nangyari last Saturday at Sunday. How we've enjoyed the Fiesta and all. They also planned to visit Mama, mamaya.
YOU ARE READING
Waiting For Kendra
RomanceJason Xiel Ponce, an aspiring Chemist is a serious and intimidating man who also lacks patience. Kendra Ann Guevarra,future accountant,is a hard-headed, independent but a soft-hearted girl. When their paths crossed, Kendra notices that she's becomin...