Kevin
We decided na mag sleep over dito sa unit ni Jason. Nang nakapsok na kami sa unit niya ay agad humiga si Javier sa sofa nito. May kalakihan naman ang unit ni Jason.
"Ilalagay ko na ang mga ito sa refrigerator mo, Jasiel." Ani Marco kay Jason.
Jasiel ang tawag namin sa kanya kase Jason Viel ang full name niya. Gets niyo?
Ayaw niya kapag iba ang tatawag sa kanya ng ganyan. Sasabihan niya lang ito ng 'feeling close ka?' Harsh diba?
"Magluto ka na, Jasiel!" utos ni Javier sa kanya. Napaka bossy talaga nito. Pumanhik naman agad si Jason at Marco sa kusina at nagsimula nang magluto. Silang dalawa talaga ang tandem sa ganyang mga bagay. Cooking, studies, books, being silent, et cetera. Tapos kami naman ni Javier ang tandem. May connection kase kaming dalawa. Kung andito lang si Alec, siya ang neutral sa amin. Kaso nasa ibang bansa pa siya.
"Jasiel? Yan bang pinto sa harap ang unit ni Kendra?" tanong ni Javier kay Jason.
"Yeah."
Binuksan ko ang TV nila at nanonood kami ni Javier ng basketball. "Gutom na akoooo! Matagal pa ba yan?" sigaw ulit ni Javier.
"Alam mo, Concepcion? Ikaw nalang ang magluto dito." Sagot naman ni Marco.
"Gusto mo ba masunog ang unit ni Jasiel? HAHAHA!"
Biglang tumunog ang aking cellphone kaya naman tiningnan ko ito.
Mixytot: Kev! Where u?
Kevin: Jasiel.
Mixytot: Halaaa. Andaya mo. Sana sinama mo ako.
Kevin: Sunod ka.
Mixytot: K.
Hindi ko na siya nireplyan. Sinabihan ko na din sina Jasiel na pupunta si Mixy dito. Nakaready na ang food at ang hinihintay nalang naming ay si Mixy. Close kami ni Mixy, pati na rin kina Jasiel, Marco at Javier.
Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto binuksan naman ito ni Jasiel.
Oh. What a surprise.
Kendra
Nagulat ako nang biglang dumating si Mixy sa unit ko.
"Halika na, punta tayo kina Jason!"
"Ayoko."
"1 pm pa naman ang klase natin bukas eh." Nagpuppy eyes na siya.
Wala naman sigurong mangyayaring masama kapag sumama ako sa kanya diba?
Kaya ayon. Napilit na ako. Kumatok si Mixy sa pinto at binuksan naman ito ni...
"Jasiel!" sigaw ni Mixy kay Jason.
Ano daw? Jasiel? Pumasok na kami ni Mixy at nahalata niya siguro na nalilito ako sa pagtawag niya ng Jasiel kay Jason.
"Ah! Jasiel tawag naming sa kanya kase.... Jason Xiel full name niya. Kaya Jason plus Xiel equals Jasiel! Remember... Ja-seel ang pronounciation ha? Lika na. To the kitchen!"
Nang makapasok kami sa kitchen ay bumungad sa akin ang napakagandang interior design nito. Mukhang pinadesign niya talaga ito.
"Kendra! Mixy!" sigaw ni Javier. Tumango naman ako at nagsmile. "Ang tagal niyo naman. Kanina pa kami naghihintay dito."
"Si Kendra kase eh. Pinilit ko pang sumama sa akin dito." Sagot ni Mixy.
Napailing naman si Kevin. "Sige na. Kumain na tayo."
YOU ARE READING
Waiting For Kendra
RomanceJason Xiel Ponce, an aspiring Chemist is a serious and intimidating man who also lacks patience. Kendra Ann Guevarra,future accountant,is a hard-headed, independent but a soft-hearted girl. When their paths crossed, Kendra notices that she's becomin...