Kendra
"Uy! Balita ko 3 days na daw na umabsent si Jason sa class niya." Sabi ni Mixy habang kumakain ng chips.
Papunta kami sa Library ngayon. Lutang talaga ako kapag si Jason na ang pinag-uusapan.
"Hindi naman ganyan si Jason diba?" tanong ni Patricia na ngayo'y may piangkakaabalahan sa kanyang cellphone.
Napahinto bigla sa paglalakad si Mixy. "Hindi kaya, lumipat na siya ng school?"
"Hindi naman siguro..." sagot ko.
"Ay! Bakit di ko 'to naisip! Magkapitbahay kayo, Ken, diba?" tanong ni Mixy.
Tumango ako at nagpout. "Kase ang totoo niyan..."
Flashback
"I don't want to see you sad." Yan ang binitawang mga salita ni Jason habang kinakain ang cupcakes na bigay ni Drake.
Walang nagsalita sa gitna ng biyahe hanggang makarating kami sa apartment.
"Salamat pala ha?" sabi ko habang kinakalas ang seatbelt.
"Sige lang."
Nakababa na ako sa sasakyan pero pansin kong hindi pa siya bumaba. "Hindi ka ba papasok?"
"May pupuntahan pa ako." Sabi niya sabay tingin sa malayo.
"Okay. Ingat!"
Nang makapasok ako sa bahay, wala pa si Mama. Kinuha ako ang cellphone ko at Nakita kong may text pala si Mama na hindi ko napansin.
"Mamaya p ako 8 pm uuwi." Nag reply ako ng "Okay. Ingat."
7 pm na at nagluto na ako ng ulam namin. Hindi ko na nahintay si Mama dahil gutom na gutom na ako. Hindi siguro ako nabusog sa binigay na cupcakes ni Drake. Pagkatapos ko manghugas ng pinagkainan ko ay biglang tumunog ang aking cellphone.
Drake Salpera: Nagustuhan mo ba ang cupcakes?
Nag reply ako ng "Oo. Salamat."
Napatalon ako nang biglang may kumatok sa pinto. Tiningnan ko kung sino iyon at nang nakita kong si
Mama iyon ay pinagbuksan ko siya. Sakto nang makapasok si Mama ay Nakita ko ding kapapasok lang ni Jason sa bahay niya.
"Sino naghatid sayo, Ma?" Tanong ko habang kumakain siya.
"Jason." Sagot niya at uminom ng tubig. "Feel ko nga may sakit yon. Namumula eh."
"Namumula?"
Tumango si Mama. "Check mo nga siya mamaya."
Pinilit ako ni Mama na puntahan si Jason kaso nahihiya ako. Nagkulong ako sa kwarto habang pinag iisipan kung pupuntahan ko ba si Jason. Napagpasyahan kong lumabas na at I check siya. Kakatok na sana ako nang umurong lahat ng confidence sa katawan ko. Ewan ko ba bakit ako nahihiya kay Jason, where in fact tao lang naman siya. Eh kasi naman napaka intimidating niya. Argh!
Bumaba nalang ako para tumambay sa hagdanan. Nagulat ako nang mapansing may nakaupo sa hagdan. Mas nagulat pa ako nang ma confirm kong si Jason 'yon!
Babalik na sana ako sa loob nang magsalita siya. "I missed you...Hihintayin pa rin kita."
Sino ba kase ang kausap ng lalakeng to? Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pabalik.
YOU ARE READING
Waiting For Kendra
RomanceJason Xiel Ponce, an aspiring Chemist is a serious and intimidating man who also lacks patience. Kendra Ann Guevarra,future accountant,is a hard-headed, independent but a soft-hearted girl. When their paths crossed, Kendra notices that she's becomin...