Kendra
Pagkatapos kong sabihin yon nakaramdam ako nang ginhawa sa katawan ko.
"Ang tagal niyo naman!" reklamo ni Mixy nang magkita kami.
"Ang hirap niyong hanapin." Jason answered.
Umupo na kami at nanood ng mga presentations. Ang saya saya nila dito. Walang KJ! Mas gugustuhin ko nalang na dito tumira. Chos. Nag enjoy ako sa mga kinanta ng mga mang aawit. May mga dancers din at marami pang iba!
10 PM na nang nakaramdam ako ng antok. Nasa likod naming naka upo ang mga lalaki. Si Marco at Jason nakatutok sa stage habang si Javier naman busy sa kanyang phone.
Napapahikab na ako dahil inaantok na ako at dahil na rin sa pagod.
Napansin kong tumayo si Jason sa likod ko. Napapikit ako at kulang nalang babagsak na ako dahil sa antok.
"Kendra." Ani ni Jason sa likod ko. Nilingon ko siya at nakita kong may nakalahad na mango shake sa harap ko. "Para hindi ka antukin."
"Salamat." At ininom na ang mango shake. Halos matapon ang shake sa biglang pagsalita ng host.
"Let us all welcome, Mr. Kevin Dee for his performance! Around of applause please!"
Halos mabingi ako sa tilian ng mga tao dito, particular ang mga babae. May iba pang may dalang banner na may nakasulat na "Go Kevin!" Grabe. Idagdag pa tong si Javier na biglang tumayo at sumisigaw.
Naglabas ng isang piano mula sa stage ang mga tao. Kaya pala nagpapractice siya sa bahay nila.
Halos tumindig ang mga balahibo ko nang nagsimula nang tinipa ni Kevin ang piano.
"Diba nga ito ang 'yong gusto..."
"Oh heto' y lilisan na ako..."
"Mga alaala'y ibabaon..."
"Kalakip ang tamis ng kahapon..."
Ang ganda talaga ng boses ni Kevin. Ang boses niya ay parang isang malamig na hangin na papasok anytime sa katawan mo. Haharanahin ang puso mo.
"Kaya't pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito..."
"Wari'y dala lang ng pagmamahal sa'yo..."
"Ako'y gigising na, mula sa panaginip kong ito..."
"At sa wakas ay kusang lalayo sayo..."
"Lalayo sa..."
Hindi ko na halos marinig ang sigawan at tilian ng mga tao dito. Nakapasok na sa sistema ko si Kevin. Yumuko ako at inubos ang shake na binigay ni Jason. Nang inangat ko ang aking ulo, mas lalo akong natigilan dahil nakatingin na sa akin si Kevin.
"Pero kahit san man lumingon..."
"Nasusulyapan ang kahapon..."
"At sa aking bawat paghinga..."
"Ikaw ang nasa isip ko sinta..."
Napangiti ako. Bawat salita na binibitawan ni Kevin, may meaning eh. I mean, tagos sa puso. Siguro ay madidiscover talaga tong si Kevin. Magiging isang sikat na singer 'to.
Pagkatapos kantahin iyon ni Kevin ay muling naghiyawan ang mga tao. May ilang napaluha sap agkanta ni Kevin. Wari'y hindi lang ako ang nakaramdam non.
Muling itnapat ni Kevin ang kanyang mga daliri sa piano. Tumugtog ang isang pamilyar na kanta.
"Kamukha mo si Paraluman..."
YOU ARE READING
Waiting For Kendra
RomanceJason Xiel Ponce, an aspiring Chemist is a serious and intimidating man who also lacks patience. Kendra Ann Guevarra,future accountant,is a hard-headed, independent but a soft-hearted girl. When their paths crossed, Kendra notices that she's becomin...