Chapter 13

4 0 0
                                    

Patricia

OMG! So kaloka! Ang daming nangyari! First, sinugod ni Katrina si Kendra dahil nagpakalat daw ito ng chismis? Psh. Kalokohan. Hindi naman ganon na tao si Kendra. Mabait kaya yon. Next naman, sino ba yon? Kelsey? I've seen her na. Kapatid pala niya si Kat? Uh. Gosh! I need to hinga muna!

Papunta kami ngayon sa comfort room para makapag-ayos muna si Kendra. Naglakad itong mabilis at nakasunod kami ni Pat sa kanya.

Pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Mga chismosa talaga. Kung sino man ang nagpakalat non, sasabunutan ko talaga! Sa pagmamadali namin, nabunggo ni Kendra si Jason.

Oh. Hihihi.

"Anong nangyari?" Jason said in a serious tone.

"Wala." Matigas na sabi ni Kendra.

Pakipot talaga 'tong si Ken. Actually, I ship them. They look cute together!

Pero, I think Kevin likes Kendra. I saw him kahapon sa bahay nila, writing something on his journal and I saw a "Kendra" on it.

Weird diba?

"Iuuwi nalang kita." Jason said.

"No. I have classes pa." Pagmamatigas ni Kendra.

Pat inserted between them. "Ken, sumama ka na kay Jasiel. Iuuwi ka naman niya. Para mapalitan mo ang damit mo."

Go, Pat! Let them be together!

Tumaas ang kilay ni Jason. "Ihahatid na kita sa apartment niyo. Nakauwi naman na diba si Tita galing hospital?"

"Yes, Jasiel. Nakauwi na si Tita." Ako na ang sumagot para kay Kendra.

"Well. Tara na..."

"Ayoko." Pagmamatigas ni Kendra.

Hay nako. Ba't ba napakatigas ng ulo ni Kendra? Sasapakin ko na talaga to. "Kendra, sige na. Magpalit ka na ng damit habang maaga pa. May 2 hours ka pa oh. Dali na." siniko ko na si Kendra

Nakita kong umirap si Kendra. Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumikhim naman si Jasiel. Uh-oh. Naiinis na'tong si Jasiel. Napaka-impatient talaga niya.

"Sabing ayo..." naputol ang pagproprotesta san ani Kendra ng hilahin siya ni Jasiel.

Napangiti ako habang tanawtanaw na hinihila ni Jasiel si Kendra.

"Ouch!" nilingon ko si Javier na bumangga sa brasa ko. "Problema mo, huh?"

"Wala. San punta non?" ngumuso siya sa dalawa patungo sa parking lot.

"Tanong mo sa pagong." Inirapan ko siya at hinila na rin si Pat na nakikipag-usap na pala kay Marco.

Ewan ko ba naiirita ako kay Javier. Kahit halos same kami ng attitude, he is still getting into my nervous system! Argh!

"Ang panget mo talaga, Mixy!" sigaw pa niya.

Duh. Mas panget siya plus babaero pa. "Babaero!" sigaw ko pabalik.

Nakita kong naningkit ang mata ni Pat.

"What?" Huminto ako sa paglalakad.

"Sinira mo moment namin ni Marco." Sagot niya.

"Sorry. Hehe."

"Psh. Tara na nga. May quiz pa tayo mamaya."

Kendra

"A-ano b-ba! Jason!" pagproprotesta ko matapos niya akong hilahin. Masakit na kaya ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Huminto kami sa may sasakyan niya. Alam kong iuuwi niya ako dahil basing-basa ako sa tinapon na juice ni Kelsey sa akin. Bwesit talaga! Ang dami kong kailangang haraping problema ngayon.

"Just wait." Jason said. Kinakapa niya ang kanyang bulsa. Hinahanap siguro ang susi ng sasakyan.

Nabigla ako nang may mapangahas na humila sa kanang braso ko.

"How dare you!" isang malakas sa sampal ang sumalubong sa akin.

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Naramdaman ko na biglang umalalay sa akin si Jason dahil halos matumba na ako.

"Kelsey..." biglang sulpot ni Alec out of nowhere. "Wala tayong ebidensya na siya ang nagpakalat ng chismis."

"Huh? Pinagtatanggol mo ang ex mo?!" sigaw niya pabalik dito.

"Let's go." Mahinang bulong ni Jason sa tenga ko.

Sumunod naman ang aking katawan kahit gustong-gusto ko siyang labanan. Nakakainis. Ba't ba hindi ako makalaban ngayong agak-agak ako ni Jason? Jason naman eh!

"Aba't saan ka pupunta?!" rinig kong sigaw ni Kelsey. Hinarap ko siya.

"Sa apartment ko. Bakit sasama ka?" sagot ko. Kanina pa 'to eh. Lalabanan ko na talaga siya.

"Kendra..." seryosong sabi ni Jason.

Tiningnan ko siya sa mata. Nakakatunaw. Parang nahi-hypnotized ako sa ganda ng kanyang mga mata.

"Matapang ka pa rin Kendra no?" biglang parang kabute na pagsulpot ni Katrina.

"Hulaan mo." Pamimilosopo ko. Mainis kayo diyan.

"Kat...Kelsey...if you don't mind, Kendra and I will excuse ourselves from this nonsense fight here. You keep on attacking Kendra without any evidence. You all...look dumb." Seryoso pero kalmang sabi ni Jason.

Tiningnan ko ang reaction nila. Halos malaglag ang panga nila. Except for Alec, who's standing and calmly look me in the eyes.

"Sorry. You can go now. We'll fix this if malamig na ulo nila." Alec said while glancing at the two.

"Alec?!" Kat shouted.

"I found the keys." Jason said at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat.

Pumasok na ako at tiningnan ang mga kapwa estudyante na umaalis matapos ang kaninang maikling sagutan. Pati ang tatlo ay umalis na rin.

"Let's go?" tanong ni Jason at tumango naman ako.

Tara, Jason. Sa tuwing may problema ako sinasamahan mo ako. Nasa tabi kita palagi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I used to be an independent girl pero kapag alam kong andyan si Jason sa paligid, nagiging dependent ako sa kanya. Nararamdaman kong safe ako kapag siya ang kasama ko.

Tara, Jason. Kahit saan tayo magpunta, sasama ako. 

Waiting For KendraWhere stories live. Discover now