Chapter 3

10 0 0
                                    


Kendra

I've been here for a week. I mean here, at my new university. Madaming gustong makipagkaibigan sa akin. Pero kina Patricia at Mixy ako naging comfortable

Meet Mixy Ann San Carlos. The kalog, madaldal to the highest level (though madaldal ako, mas madaldal siya) and happy-go-lucky girl. Sa canteen ko siya nakilala. I wanted to share with her table, and she accepted my request. "Bago ka dito?" I nodded as a response. "Anong course mo?' she asked.

"BS Accountancy." Sagot ko.

Muntik na siya masamid sa kinakain nyang sandwich. "OMG! 2nd year? Aaaah! Bat di kita napansin sa classroom ha?"

I just smiled at her. Napaka energetic niya.

"Pa...Patricia!" She shouted as she was looking and waving at a girl. "Dito ka! Bilis!"

Patricia Peralta, the girl with a serious face. I mean, she looks so serious. Kung tatanungin ako, my first impression to her would be maldita. Umupo siya kasama namin. Pinakilala rin namin ang isa't isa. So... the three of us are classmates.

"So... saan ka nakatira?" tanong sa akin ni Patricia.

"Brgy. Salientes. Nangupahan kami ng Mama ko sa isang apartment don." Sagot ko.

Biglang napahinto sa paglalakad si Mixy. "OMG! Doon sa Lou Apartment?"

"Yup."

Niyugyog niya ako at biglang tumawa. "Nakita mo bang naka topless si Jason?"

Jason?! Ah. Jason, my suplado neighbor. "Hindi..."

Mixy mouthed "Sayang." Habang napatawa naman si Patricia.

"Pero, neighbors kami. I mean, magkaharap lang ang inuupahan naming kwarto..."

Hindi na ako nakatapos sa pagsasalita nang biglang tumili si Mixy ng napakalakas.

"Yiiiiiiiii!"

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito. "Itikom mo nga yang bibig mo." Hinampas siya ni Patricia.

Hindi na tumigil sa ka eechos si Mixy tungkol kay Jason. Eh kung alam nniya lang gaano ka suplado at cold hearted 'yon. I also heard na parang campus heartthrob si Jason and his friends. And I was really surprised! May friends pala siya. Mixy said na Jason is a student of BS Chemistry. 3rd year. Sooooo, 1 year ahead siya sa akin.

After our morning classes, niyaya kami ni Mixy na mag mall. Nasa mood daw siya makipag mall. Sana all. Hidi sumama sa amin si Patricia dahil mag-aaral pa daw siya. Nagpadala nalang siya ng pera para ibili daw siya ng spaghetti. Walking distance lang naman ang mall galing sa school. Pagkarating naming doon ay dumiretso kami sa Airene's Restaurant. Binili naming ang favorite daw na spaghetti ni Patricia.

"Uyyy! Si Jason!" mahinang sigaw ni Mixy sa akin nang makalabas kami sa restaurant. Tinuro nya si Jason na nasa isang stall na ang binibenta ay mga sabon. Interested ba siya sa mga sabon? Gumagawa ba ng sabon ang mga Chemist?

Nanlaki bigla ang mata niya at hinila ako papunta sa isang sulok. "Shet! Kasama niya si Kevin!"

"Kevin?"

Tinakpan niya bigla ang bibig ko. Naisip ko tuloy na crush ni Mixy si Kevin.

"Kevin Dee! The Dandy Duke! He is the best-dressed in their barkada! And, the maarte one, but with the best sense of hygiene!" she exclaimed.

I rolled my eyes. "So, he is your crush?"

Tumawa lang siya. "No! He is my cousin!"

"And what about me, Mixy?" a voice from behind stood out.

Waiting For KendraWhere stories live. Discover now