Kendra
Hinila ko si Jason hanggang nakarating na kami sa isang malaking puno malapit sa park. Huminto ako at binitawan na ang kamay ni Jason.
"Sorry." Sambit ko.
"Okay lang." he answered.
"Pwede bang magkuwento?" Hinarap ko siya. Pumatak na ang mga luha sa aking mata.
Hinayaan ko siyang yakapin ako. Masyadong masakit ang mga nangyari. Kinwento ko sa kaniya ang lahat. Simula sa sinabi ni Kat sa akin, hanggang sa ang pagiging babaero ni Alec.
"Hindi ako marunong mag advice, pero he's not worth it. You know..."
Tumawa ako nang mahina. "Thank you." Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko. "Tara na? Baka hinahanap na nila tayo."
Tumayo rin sya at nagsalita. "Don't worry. I'll talk to him."
"No. Huwag na. I know mahal na mahal na niya si Kat. Hindi na niya yun uulitin."
We walked in the busy streets. Marami pa ngang tindahan dito. Napahinto ako nang maamoy ko ang bagong lutong sweet corn. I immediately roamed my eyes at nakita ko rin ang tindahan na nagbebenta nito.
What a coincidence!
Nandito rin sina Alec at Kat. Binati ako ni Kat na sinagot ko naman.
"Swert corn's still your favorite, huh?" sabi ni Alec na nakatingin sa akin.
"Oo." Matipid na sagot ko.
Dumating naman bigla si Javier,Pat,Mixy,Marco at Kevin. May daladala silang pagkain.
"Uyyyy! Magksama kayo ni Kendra, Jasiel?" pang aasar ni Mixy.
"Yeah."
"Saan kayo nagpunta?" tanong naman ni Javier.
"Somewhere."
"Oooh." Tumawa bigla si Javier.
Nang nabili na namin ang mga kailangan namin ay nagpasya kaming maglakad nalang pauwi. Mga 15 minutes na lakaran lang naman.
"Ang galing mo kanina." Sabi ko kay Kevin na nasa tabi ko.
"Thanks. Kinakabahan nga ako kanina."
"Bakit?"
"Ewan." He laughed softly.
Kagat-kagat ko pa rin ang sweet corn. Hindi bumili si Jason kase ayaw niya daw. Hindi ko na siya pinilit baka may allergy na naman siya sa mga ganito. Mahirap na.
"By the way, babalik na ako sa University." Alec said na ikinatigil namin.
"Woah! That's good news!" sabi ni Javier at inakbayan si Alec. "Miss ka na din namin eh!"
Napahinto ako sa pagkagat ng aking sweetcorn. Si Alec? Babalik? Sa University?!
"You forced your dad, right?" Jason asked.
"Yes! Alec did that para magkasama na kami! Nakakapagod din na halos once a month lang kami kung magkita." Katrina replied.
"Ganon ba?" overreacted na pagkasabi ni Mixy.
Tumango si Alec. I don't want to hear this. Ewan ko ba nakakairita. Pake ko kung bumalik siya don sa University? Wala naman akong pake diba? Yucks.
Tumabi sa akin si Kevin at lumapit sa may tenga ko. "You okay?" He whispered in my left ear.
"Yup. Medyo giniginaw lang." I replied.
Nabigla ako nang hinubad niya ang kanyang coat at pinatong sa balikat ko. Medyo awkward dahil akala ko sa K-drama lang to nangyayari. I was wrong. I said "thank you" to him. Mabuti nga at walang nakakita sa ginawa ni Kevin. Shocks! Bakit naman ako mahihiya sa ginawa niya! Argh!
YOU ARE READING
Waiting For Kendra
RomanceJason Xiel Ponce, an aspiring Chemist is a serious and intimidating man who also lacks patience. Kendra Ann Guevarra,future accountant,is a hard-headed, independent but a soft-hearted girl. When their paths crossed, Kendra notices that she's becomin...