Naranasan mo ba na isang araw papasok ka sa work na feeling mo paulit ulit na lang yung ginagawa mo o di kaya naman feeling mo napapag iwanan ka na sa success ng iba mong kaibigan, relatives or kakilala? Based sa FB/IG post nila na nakakapag travel, magandang work na minsan napapaisip ka na pareho lang kami ng course and classmate ko pa to dati hindi naman to super galing sa school pero maganda yung work nya, maganda uniform nya etc etc. Dun na magsisimula yung comparision, sadness and worry.
Why?? Actually kaya ka nakaka ramdam ng sadness or worry kasi nag iisip ka ng negative thoughts sa mga bagay bagay. Which is hindi naman talaga nawawala yan sa buhay ng tao. Depende pa kung gano ka kalala mag isip ng negative sa sarili mo. Pero ako bago ko naovercome yun almost 1 week and a half and minsan bumabalik balik especially once na mag kakaroon ng period syempre andyan ang Mood Swings. 🥹 Ang sakit sa bangs! Kasi yung feeling na ayaw mo ng mag isip ng masama sa sarili mo pero ayaw tumigil ng utak mo kakaisip ng kung ano ano like ( ang bobo ko, hindi ako enough, napapag iwanan na ko, wala akong silbi, and worst pa is naisip ko pang sana mamatay na lang ako) ang sakit kasi sarili kong katawan, isip pinapatay ko and ang pinaka mahirap is gigising ka sa umaga na ang bigat bigat ng pakiramdam mo gusto mo na lang mapag isa ayaw mo ng maingay, pati ibang tao nadadamay at higit sa lahat pag mulat at pag pikit palang ng mata mo maiiyak kana lang ng walang dahilan. Nung mga panahong yun affected ang trabaho ko, ang boyfriend ko, pati family ko. Kasi isang bubbly bigla na lang magiging tamlayin at tahimik. Pero merong isang taong nag tanong sakin ng ilang beses at ilang araw na ok ka lang ba? Parang ang lalim ng problema mo. Yun yung boyfriend ko si NATHANIEL! Mahal ko to pero nung mga andun ako sa stage ng Anxiety wala akong pinag sabihan ni isa kasi ayoko majudge ng iba na "Sus drama ka lang or kaartehan lang yan" So mas prefer ko pang ikeep na lang pero ang hirap kasi feeling ko wala akong kakampi at ang liit liit ko.
And one day, papasok nako dapat sa work pero kita ng boyfriend ko na wala akong gana, ang lungkot lungkot ng mukha ko, na anytime babagsak na yung luha ko. Hanggang sa BOOM! Umiyak na ko na parang bata with matching sinok sinok pa. Ewan ko ba pero nung mga panahong yun alam ko sa sarili ko na isa lang ang kailangan ko. Taong makikinig sakin na hindi ako huhusgahan, walang tinging kakaiba na kahit mag sumbong ako ng mag sumbong never akong i-jujudge at si God yun pero ayun, pumasok parin ako sa work kasi kailangan pero wala rin e paga na yung mata ko kakaiyak sa isang tabi at kakaisip ng kung ano anong masama sa sarili ko. Hanggang sa nag paalam ako sa Officer ko na kung pwedeng mag halfday kasi hindi ko kayang mag work ng ganto na iiyak lang ako buong maghapon, na hindi ako makakafocused and thanks God pinayagan ako. Excited akong umalis na kasi meron akong lugar na gusto kong puntahan yun ay ang Bahay ni Jesus!
Pagkapasok ko palang laglag na agad ang luha ko. Wala pakong sinasabi pero feeling ko inaabangan nya nako sa pinto na umaga palang inaantay nya nako sa bahay nya na di ko pa sya naiisip puntahan waiting na agad sya sakin. Yun yung feeling ko nung pumasok ako sa Simbahan. Puros iyak lang ako sumbong ako ng sumbong sa kanya na sorry kasi ang sama kong anak kasi ako tong may buhay na maayos ang katawan, merong regular na trabaho, merong mapag mahal na pamilya pero nag iisip padin ako ng mga ganung bagay puro Sorry at Thank you ng paulit ulit kong sinasabi. Ang tagal ko bago tumigil sa pag iyak basta ang huli kong hiniling sa kanya "Sana Lord pag labas ko sa bahay nyo maayos na ang pakiramdam ko, ayoko na pong umiyak, alisin mo po lahat ng mga negative thoughts sa isip ko, alisin mo po ang inggit sa puso at isip ko gusto ko po maging happy na ulit ako para sa sarili ko, sa pamilya ko at sa ibang tao." and Tadaaaa! Pag labas ko sa bahay nya para akong bagong tao, na di nag isip ng masama sa sarili o ng kung ano man. Hahahahaha! Whaaatta life. 🥹

YOU ARE READING
How's The People Like Us?
פרוזהNaranasan mo na bang mag isip ng negative thoughts sa sarili mo like you are not good enough, boring, and minsan dumadating na sa point na bigla mo na lang maiisip na gusto mo ng mamatay out of nowhere sabay iyak! Ang hirap! Experience is the best...