“What is wrong with you? I can’t believe you insulted me again for the second time!” ang hiyaw ni Shane habang daklot ang kumot sa katawan at galit na hinila-hila ito hanggang sa loob ng banyo.
“Hindi ko ito mapapalampas, Nicholas! I swear!” ang malinaw na malinaw na dinig niya bago sumara ng pabalibag ang pinto ng banyo.
Eksasperadong bumuntung-hininga siya ng ihiga ang katawan sa kama. Balewala sa kanya ang binitiwan nitong pagbabanta, sanay na siya dito.
Napatingala siya sa kisame. Banaag doon ang tila tagong kalupitan at galit. Dumilim na tila itim na diyamante.
Hindi niya masisisi si Shane, ang kanyang ex-lover, kung bakit nanggagalaiti ito sa galit. Wala siya ni katiting na nararamdaman para dito.
Parang gusto niya kasing subukan muli ngunit tila patay na ang anumang damdaming nasa loob niya para dito o sa kahit na kaninumang mga babae.
Ito lang naman ang mapilit na makipagbalikan sa kanya dahil sa lahat ng naging past lovers niya ito ang masigasig na humahabol sa kanya at umaaasang mababalik sa dati ang kanilang relasyon.
Wala siyang naging seryosong relasyon. It was all just fun, play and pure sex. Inaamin niya iyon ngunit lahat naman ng napaugnay na babae sa kanya ay game sa laro niya.
It was just that nagging desperation to be with a woman kaya siya muling napatukso dito sa gitna ng kalasingan niya kanina sa hotel bar.
Pero pati yata katawan niya ay tila namanhid na rin sa kahit na sino mang babae sa mundo. Patunay iyon sa kagaganap lang sa kanila ni Shane ngayon.
Maliban sa isang babae. Ang tanging babaeng nagpagising sa natutulog niyang damdamin na pinakawalan niya sa isang iglap.
Yvette… ang bulong nang kanyang puso’t kaluluwa.
Napapikit siya ng mariin. Sa isang signipikong sandali, ang nagngangalit niyang mga mata ay napalitan ng tila matinding panghihinayang at pagsisisi.
Ang kalupitan na gumuhit sa kanyang mukha ay lumambot at lumitaw doon ang tila isang batang Nicholas na nawalan ng paborito niyang laruan.
Ang pamilyar na imahe ni Yvette ay naglaro sa kanyang pangarap na tila drumoga sa kanyang buong katauhan.
Iglap siyang napabangon upang pigilan ang anumang alaalang nais na namang lumukob sa kanya. Napamura siya ng mahina.
“Hell!” ang sumagitsit sa kanyang bibig habang pinulot ng isa-isa ang kanyang mga damit sa sahig.
That woman is a curse! Ang patuloy na pagmumura ng kanyang isipan dahil hindi niya ito makalimot-limutan.
Nagmadali ang bawat galaw niya. Ang pagkabalisa at galit ay muling nanumbalik.
Impyerno ang naging buhay niya nitong mga nagdaan taon. Ni hindi niya magawang matukso sa ibang babae ng hindi sumasagi ang maharlikang kagandahan nito na patuloy na isinisigaw ng kanyang puso na kung gaano katagal ng umangkin sa kanyang pag-ibig ay hindi niya alam.
Sinira nito ang reputasyon niya sa ibang mga babae! Dahil ni minsan ay wala ng iba pang babae na nakatukso o nakaakit sa kanya sa kama nitong mga nakalipas na taon dahil tanging alaala ni Yvette lamang ang walang araw at gabing dumadalaw sa kanyang pangarap at panaginip.
Ni ang katulad ni Shane na makamundo at maaakit pati dimonyo ay hindi nito nakayang pukawin man lang ni katiting ang kanyang pagkalalaki.
At alam mo kung bakit? He’s damn crazy that’s why!
“Hell!” ang muling palatak niya habang ibinubutones ang polo shirt.
Hindi na niya ipinagtataka at dapat pagtalunan ng kanyang isip ang tila walang direksyong buhay niya. Ang kasagutan ay matagal ng nasa kanya noon pa ngunit iwinaglit niya dahil sa kahangalan niya.
Dahil hindi niya matanggap na magkakaroon siya ng ganitong klase ng damdamin para sa isang babae lang hanggang sa nawala na ito ng tuluyan sa kanya. Iyon ay dahil sa kagagawan nya at huli na ang lahat upang maibalik pa ang nakaraan.
Parang gusto niyang iumpog ang ulo. God knows, he’d been to hell and worse.
At ngayong gusto na niya itong limutin ay para naman siyang isinumpa ng langit. Ni hindi na nga sumasagi sa isip niyang magkainteres sa iba maliban kay Yvette lamang.
Hell take him, pero hindi niya alam kung anong klaseng kamandag ang kumapit sa kanya upang tanging ito na lang ang hinahanap-hanap niya.
Noon ay para siyang apoy na nagliliyab tuwing may mga babaing halos magkandarapa sa paanan niya at kursunada rin niya.
Now he looked at them distastefully longing for only one woman, Yvette…
“Shit! Shit! Shit!” ang galit na galit na pagmumura niya ng pabalibag na isinara ang pinto upang lisanin ang nakakasuklam na lugar na iyon.
Tuluyan na nga bang namatay ang pirata? Yes, the pirate is DAMNED!
BINABASA MO ANG
THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3
Romance~~~ "Nasisiraan ka na bang talaga?... We have just met and now you're declaring love? I've never met such a woman who does and it scares the hell out of me." ~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Pinabalik siya ng Pinas ng...